"Kunin ang bawat pagkakataon at panahon para ilantad, tutulan at labanan ang pagha-hariharian ng Morada Gang na kilala sa katiwalian, karahasan, kriminalidad at pag-abuso sa kapangyarihan sa bayan ng Bansud, Silangang Mindoro"
Picture
Tapos na ang halalang 2013, subalit di pa tapos ang laban para sa pagbabago. Determinado tayo sa nais nating pagbabago para sa kagalingan ng mga Bansudeño – may eleksiyon man o wala.

Kunin ang bawat pagkakataon at panahon para ilantad, tutulan at labanan ang pagha-hariharian ng Morada Gang na kilala sa katiwalian, karahasan, kriminalidad at pag-abuso sa kapangyarihan sa bayan ng Bansud, Silangang Mindoro.

Itaguyod natin ang Pulitika ng Pagbabago at tunay na paglilingkod sa mamamayan. Bagong Pulitika ang tamang landas tungo sa tunay na pagbabago. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlilinlang, pananakot, karahasan at paurong na pamumuno.

Malinaw ang hangad nating mga mamamayan. Pulitika ng pagbabago ang sigaw nating mga Bansudeño.

Ang pulitika ng pagbabago ang ating alternatibo tungo sa pagkakamit ng isang tunay na mabuting pamamahala.

Sa balangkas lamang ng bagong pulitika maaaring maipatupad ang isang tunay na bukas at demokratikong pamahalaan.

Kailanman ay imposibleng maganap ang tunay na pagbabago sa balangakas ng tradisyunal na politika o trapo.

Suriin natin ang magkabaliktad na paraan ng pamumuno at pamamahala ng bagong pulitika sa isang banda at trapo sa kabilang banda.

SA BAGONG PULITIKA


Ang balangkas (framework) ng bagong pulitika ay paghahangad na baguhin ang luma at bulok na sistema at prosesong pampulitika.

Sa pamamagitan ng bagong pulitika, itataguyod natin ang mga sumusunod – panahon man ng eleksiyon o hindi:

1. Pulitikang nakabase sa prinsipyo at mga isyu ng mamamayan, hindi sa panlilinlang at paghahasik ng karahasan sa mamamayan;

2. Pulitika ng pananagutan sa bayan, integridad at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan;

3. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panghahati, pananakot at karahasan; at

4. Pulitikang nagtataguyod sa mabuting pamamahala.

Ang mga lider/mamamayan at sistema ng Bagong Pulitika lamang ang mayroong kakayahan at determinasyon para ipatupad ang tunay na good governance. Bagong pulitika lamang ang tamang landas para saTunay na Pagbabago!

SA LUMANG PULITIKA NG TRAPO


Samantala, ang balangkas ng traditional politics (trapo) ay nakabatay sa preserbasyong ng kasalukuyang bulok na pampulitikang kaayusan (status quo). Sapagkat sa ganitong sistema lamang sila malayang maisasagawa ang lahat ng klase ng kurapsiyon at anomalya, kubli man o harapan.

Ang trapo, tulad ni Morada, ay laging kontra sa tunay na pagbabago. Hanggang sa mga pakitang-taong proyekto lamang ang kaya nitong gampanan.

Ang motibo nito ay itaguyod ang makitid na interes ng kanyang pampulitikang pangkat o gang, mulat na kumokontra sa mga popular na reporma na isinusulong ng mga mamamayan.

Ang trapo ay itinuturing ang poder ng kapangyarihan bilang isang empresa at negosyo, na pinapatakbo ng mga kamag-anak at pamilya nito – ang mga pangako ay laging napapako.

Walang seryosong plataporma at ang alam lamang ay gumawa ng mga pasiklab na proyekto at artipisyal na pagbabago.

Ang trapo ay TUTOL sa tunay na diwa ng transparency, accountability at people’s participation. Ang kanilang talumpati at pahayag hinggil sa good governance ay isang malaking buladas at panlilinlang lamang sa publiko.

Ang TRAPO, tulad ng pulitika ni Morada ay isang luma, bulok at inaagnas na tipo ng pulitika – PATULOY ANG LABAN, dapat natin itong itakwil at wakasan!
 
 

Mula sa Bilibid Prison, dinala ng tatlong guwardiya si Nestor Rivamonte alyas Baleleng sa DOJ. Si Baleleng ay sentensiyadong kriminal, berdugo ng Bansud at Chief Security Officer ni Ronaldo M. Morada, meyor ng Bansud, Silangang Mindoro

DEPARTMENT OF JUSTICE, Mayo 3, 2013 – Ipinatawag ni Assistant State Prosecutor, Stewart Allan A. Mariano ng Department of Justice (DOJ) si Nestor R. Rivamonte alyas Baleleng kaugnay sa kasong murder, na  isinampa ni Jasper Galicha, anak ng pinaslang na si Wenefredo Galicha. Ang kasong murder ay may NPS Docket No. XVI-INV-13C-00079.

Mula sa Bilibid Prison, dinala ng tatlong guwardiya si Nestor Rivamonte alyas Baleleng sa DOJ. Si Baleleng ay sentensiyadong kriminal, berdugo ng Bansud at Chief Security Officer ni Ronaldo M. Morada, meyor ng Bansud, Silangang Mindoro.
MORADA GANG SA DOJ
Picture
NESTOR R. RIVAMONTE, convicted criminal at Chief Security Officer ni Meyor Ronaldo Morada, ng Bansud, Silangang Mindoro
Picture
CARLITO DE CASTRO, Municipal Councilor, Bansud, Silangang Mindoro.
Picture
CRISPIN CABRAL, Barangay Captain, Barangay Pag-asa, Bansud, Silangan Mindoro
Picture
ABNER MABUNGA, dating Kapitan ng Barangay, Bansud, Silangang Mindoro
IBA PANG AKUSADO

Kabilang sa mga respondents sa kasong murder sina Rene Macatol, Carlito de Castro, Crispin Cabral at Abner Mabunga, mga bodyguard at kasapi ng gang ni meyor Morada

Hindi dumalo sa naturang hearing si Macatol. Galit na tinanong ni Asssistant Prosecutor Mariano ang abogado ng mga akusado bakit hindi dumalo sa hearing si Rene Macatol sa pangalawang pagkakataon. ”Hindi po makalakad si Macatol sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanyang paa,” ang sinungaling na sagot ng abogado ng mga akusado.

Mahigpit na ipinag-utos ni Asssistant Prosecutor Mariano sa abogado ng mga akusado na dalhin si Rene Macatol sa Mayo 8, 2013 sa kanyang sala sa DOJ.

Kasama din sa dumalo sa hearing ang witness ni Macatol na si Elmer Feraro. Nagsumiti ng magkakahiwalay subalit unipormadong counter-affidavit sina Rivamonte, De Castro, Cabral at Mabunga.

Dumalo din sa naturang hearing sa pangalawang pagkakataon si Jasper Galicha, anak ng biktima, kasama ang kanyang saksi na si Dominador Castillano.

Samantala, nag-aabang sa labas ng gusali ng DOJ ang buong pwersa ng DOJ press group, mula sa broadcast at print media, sa paglabas ni Rivamonte para sa isang panayam. Subalit mabilis inilabas siya ng mga guwardiya nito mula sa DOJ pabalik sa Bilibid Prison.

Kasalukuyang nakakulong si Rivamonte sa National Bilibid Prison, mula pa noong Marso 26, 2013, na sentensiyado sa kasong illegal-drugs.
SUMMON NG DOJ
DE CASTRO: UTAK SA KASONG MURDER

Matatandaan na nagsampa si Jasper Galicha, anak ng pinaslang na si Wenefredo Galicha, ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ), Manila noong Marso 1, 2013, laban kina Carlito de Castro, konsehal ng bayan ng Bansud, Nestor Rivamonte, Rene Macatol, Abner Mabunga, mga body guard ni Ronnie Morada, Meyor ng Bansud at Crispin Cabral, Kapitan ng Barangay.

Sa sinumpaang salaysay ni Jasper Galicha sa DOJ, ang kanyang ama na si Wenefredo Galicha ay pinaslang noong Hunyo 22, 2012 sa tulay ng Brgy. Banus, Gloria, Silangang Mindoro. Batay sa saksi, walang-awang pinagbabaril nina Nestor Rivamonte, Rene Macatol at Abner Mabunga ang biktima. Nasaksihan ni Dominador Castillano ang buong pangayayari, na noon ay nasa lugar ng krimen.

Ang itinuturong utak ng pagpaslang ay si Carling de Castro, konsehal ng Bayan ng Bansud. Kasabwat din sa pagpatay si Crispin Cabral, kapitan ng barangay, sa Pag-asa, Bansud, Silangang Mindoro.®
POSAS NI BALELENG: BIDYO
 
 
Panganay na anak ng meyor ng Bansud na si RJ MORADA at Chief Security nitong si NESTOR RIVAMONTE, 20 milyong piso ang hininging ransom sa biktimang si ARMANDO GALANG kapalit ng kanyang kalayaan
Picture
Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a RJ. Morada
Picture
Nestor R. Rivamonte a.k.a. Baleleng
Ni Jasmine Santiago
Reporter
, online version
 
LAS PIÑAS CITY, Abril 19, 2013 – Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mabilis na prosekusyon sa panganay na anak ni Meyor Ronaldo Morada na si Ricardo Barcelo Morada IV, a.k.a. RJ; Nestor Rivamonte, Chief Security Officer ni Meyor Morada at tatlo pang John Doe kaugnay sa kidnapping kay Armando B. Galang at Michael H.Dutcher. Naganap ang kidnapping noong Enero 6, 2012 sa Las Piñas City.


Sa ipinadalang sulat ni Atty. Efren L. Meneses, Jr., NBI Regional Director, National Capital Region (NCR) kay Hon. Marlyn Cynthia Fatima Madamba Luang, City Prosecutor, Las Piñas City, noong Abril 10, 2013, kasong kidnapping at mabilis na prosekusyon ang opisyal na rekomendasyon ni Meneses laban sa mga kidnapper batay sa resulta ng masusing imbestigasyon ni Special Investigator III Gary P. Ruiz, NBI-NCR.

MGA KIDNAPPER

Tinukoy sa imbestigasyon ang mga sumusunod na limang kriminal na kidnapper: (1) Nestor Red Rivamonte, Chief Security ni mayor Morada at kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City batay sa sentensiya kaugnay sa iligal na droga (shabu); (2) Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a. RJ Morada, panganay na anak ni mayor Morada, nakatira sa Poblacion, Bansud, Silangang Mindoro; (3) John Doe No. 1, 40 taong-gulang, may taas na 5’6” – 5’7”, may nunal sa kaliwang bahagi ng mukha; (4) John Doe No. 2, may edad na 40-50 taong gulang at may taas na 5’6” – 5’7”; at (5) John Doe No. 3, ang mastermind, taga-bigay ng utos kay Rivamonte.

Ang kasong kidnapping na isinampa sa Las Piñas City Prosecutors Office ay may bilang na NPS Docket No. XV-04-INV 13D-00468.

Picture
Unang pahina ng 7 pahinang sulat ni Atty. Efren L. Meneses, Jr., NBI Regional Director, National Capital Region (NCR) kay Hon. Marlyn Cynthia Fatima Madamba Luang, City Prosecutor, Las Piñas City
MGA BIKTIMA NG KIDNAPPING

Ang biktimang si Armando B. Galang, 64 taong-gulang, may-ari ng El Kapitan Pro Sounds and Lights System Inc., na matatagpuan ang opisina sa Naga Road, Pulanglupa 2, Las Piñas City, isang Bansudeño. Kabilang din sa biktima si Michael Dutcher, 36 taong-gulang, supervisor ng El Kapitan Pro Sounds and Lights System Inc.

Si Galang ang nagbibigay ng de-kalidad na Sounds and Lights System sa pamamagitan ng kanyang kumpanya tuwing piyesta sa bayan ng Bansud simula pa noong maging mayor si Morada noong 2007 hanggang 2012.
 
IMBESTIGASYON NG NBI

Batay sa imbestigasyon ng NBI, sina Nestor Red Rivamonte, Chief Security ni mayor Morada, Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a. RJ Morada, John Doe No. 1, John Doe No. 2, at John Doe No. 3 ay nagkasundo, nagsabwatan at nagsama-sama sa pag-kidnap sa mga biktimang sina Armando B. Galang at Michael H. Ducther.

Mula sa sa labas ng El Kapitan Pro Sounds and Lights System Inc. sa Las Piñas City, noong Enero 6, 2012, kinidnap at isinakay ang mga biktima sa isang kulay berdeng tinted van na Toyota Hiace, may palakang No. ZHZ-516, na minamaneho ni Rivamonte, katabi si Morada sa front passenger seat.

Ayon pa sa report ng imbestigador ng NBI, dinala ng mga kidnapper sina Rivamonte, Morada at mga kasamahan ang mga biktima sa C-5 Extention Road, Las Piñas City. Sa hindi mataong lugar, biglang itinigil ni Rivamonte ang van. Binunot ni Rivamonte ang dalang pistolang may nakakabit na silencer, ikinasa at itinutok kay Galang. Agad na iniutos ni Rivamonte kay John Doe No. 1,”pare, yung posas. Posasan mo!” Habang pinoposasan ni John Doe 1 si Galang, pasigaw na sinabi nitong, ”huwag lalaban, pera-pera lang kailangan namin at para huwag masaktan.” Kasabay nito’y bumunot din ng pistola si Morada at mabilis namang itinutok kay Dutcher.

Sinabi din sa report ng NBI, pagkatapos maposasan si Galang, kinuryente naman ni John Doe No. 2, na noon ay nakaupo sa likuran ng dalawang biktima, ang batok ni Dutcher gamit ang stun gun. Takot na takot si Ducther at paulit-ulit na sinasabi nitong, ”Diyos ko  po, huwag po, Diyos ko po, huwag po!” habang nakayuko sa kanyang hita at hawak ng dalawang kamay nito ang kanyang batok na kinuryente.
   
Mabilis na kinuha naman ni John Doe No. 1 ang belt bag, lisensiyadong pistol, wallet at cellphone ni Galang.

Kasabay nito’y nagtatakang tinanong ni Galang si Rivamonte,”bakit ginagawa mo ito sa akin, Nestor? Bakit ginaganito mo ako?”  Ang naisagot lamang ni Rivamonte ay, ”Sir, subong-subo na ako”, pagkatapos ay inihampas ni Rivamonte ang kanyang kamay sa manibela ng sasakyan.

Sa paulit-ulit na tanong ni Galang, naisagot ni Rivamonte na, ”pag hindi ko ginawa ito, sa Mindoro ang pamilya ko, baka patayain ang pamilya ko.”

Nagbanta din si Rivamonte kay Dutcher, ”tandaan mo Mike, alam ko ang bahay mo, alam ko kung saan ka nakatira.”
 

RANSOM NA P20 MILYON, KAPALIT NG KALAYAAN
   

Nag-demand si Rivamonte ng halagang dalawampung milyong piso (P20 milyon) kay Galang kapalit ng kalaaan nito. ”Sir, pera-pera lang para pakawalan ka namin nang hindi masasaktan”. “Kahit tadtarin mo ako ng pinong-pino, Nestor, wala akong maibibigay sa inyo na twenty million”, sagot ni Galang kay Rivamonte. Ang hinihinging P20 milyon ay bumaba sa halagang P10 milyon.”Wala ako kahit isang milyon,“ sagot ni Galang,“ na hindi naman pinaniwalaan ni Rivamonte.

Alam ni Galang na hindi titigil ang mga kidnapper, kaya’t nag-counter-offer si Galang ng Metrobank blank check No. 0421045169, na nasa kanyang wallet na kinumpiska ng mga kidnapper. May balanse ang kanyang account sa banko sa halagang P600,000.00 (photocopy ng tseke sa ibaba).

Picture
Metrobank check No. 0421045169, may petsang Enero 6, 2012, sa halagang P600,000.00
Picture
Likod ng check No. 0421045169, makikita ang pirma ni Nestor Rivamonte sa loob ng bilog na pulang guhit.
Pagkatapos makausap ni Rivamonte sa cellphone si John Doe No.3, na sa paniniwala ni Galang na iyon ang mastermind, pumayag si Rivamonte sa halagang iyon. Agad silang nagtungo sa Metrobank, Pamplona Branch sa Las Piñas City. Pagkatapos mapirmahan ni Galang ang tseke, sinabi ni John Doe No.1 kay Rivamonte, ”sige pare, pag hindi ka nakabalik, tutuluyan na namin ang dalawang ito.”

Nakabalik si Rivamonte sa sasakyan mula sa loob ng banko at hawak na nito halagang P600,000.00 ransom, na nakalagay sa isang brown paper bag.
Picture
DAGDAG NA RANSOM: LIBRENG SERBISYO NG ”EL KAPITAN” SA PIYESTA
   
Nakuha na ni Rivamonte ang ransom sa halagang P600,000.00, subalit hindi pa din pinapakawalan ang mga biktima. Pagkatapos ng halos labing-limang minuto na pakikipag-usap ni Rivamonte kay John Doe No.3, may panibagong demand si Rivamone kay Galang.

Iginiit ni Rivamone kay Galang na obligadong dalhin nito ang mga pasilidad ng kanyang El Kapitan Pro Sounds and Lights System Inc. nang libre, sa piyesta ng Bansud, Silangang Mindoro, na nakatakdang ganapin noong Enero 17-19, 2012.
Ang buong set-up ng ”El Kapitan” para sa ganitong okasyon ay kabilang ang mga equipments para sa audio, lighting at staging facilities. Kabilang din ang dalawampung (20) abereyds na bilang ng personnel at crew na mananatili sa Bansud sa loob ng limang araw. Karaniwang gastos sa kanitong event ay umaabot sa halagang P900,000.00.

Nagbanta pa si Rivamonte kay Galang. ”Kapag hindi mo dinala sa piyesta ang El Kapitan, masama ang mangyayari sa’yong pamilya at sa’yong negosyo.“ Ipinagmalaki pa ni Rivamonte na marami na silang pinatay, at sinabi pa niyang, ”madali lang naming gawin iyon sa’yong pamilya at sa negosyo mo.”  Napilitang sumang-ayon si Galang sa kagustuhan ng mga kidnapper.

Matapos nito’y pinakawalan na ng mga kidnapper ang mga biktimang sina Galang at Dutcher.

MGA NAUNANG TULONG NI GALANG SA MGA MORADA AT KAY RIVAMONTE 

Pulit-ulit ang katanungan ni Galang sa mga kidnapper, habang paikut-ikot ang sinasakyang van, ”bakit ginagawa niyo ito sa’kin?” Pinaalala ni Galang kay Rivamonte na sa bawat pagkakataon na lumapit ang huli, tuwing magkaroon ng problema sa pinansiya si Rivamonte ay mabilis na tumutulong si Galang at kanyang asawa, kahit hating gabi.

Paulit-ulit ding sinabi ni Galang kay Morada, ”patuloy akong  nagbigay ng suporta at financial assistance sa iyong buong pamilya at sa’yong ama”. Si Galang din ang gumastos sa wedding reception nung ikasal si RJ Morada. Sinuportahan din ni Galang ang pangangailangang pinansiyal ng ama ni RJ Morada na si Ronaldo Morada sa kanyang pagpasok sa pulitika simula 2007 hanggang 2010.     

MOTIBO NG KIDNAPPING


Batay sa imbestigasyon at dokumentong hawak ng NBI na isinampa sa korte, lumilitaw ang tatlong motibo ng mga kriminal na kidnapper: una, likhain ang lagim at takot kay Galang para hindi na niya muling marekober ang mga kinamkam na mga lupain nito sa Bansud. Namanipula at nailipat sa ibang pangalan ang anim (6) na titulo ng mga lupain ni Galang sa Bansud nang di-otorisado at wala siyang pahintulot. May kabuuang 33 ektarya ang naturang mga ari-arian ni Galang ang kinamkam ng mga kriminal. Ikalawa, para patuloy nilang makuha ang libreng serbisyo ng ”El Kapitan” sa piyesta ng Bansud, at ikatlo, ay kumita ng pera sa masama at marahas na paraan.

SINO SI JOHN DOE NO.3?                                   

Batay kay Galang, si John Doe No. 3 ang mastermind. Galing sa taong ito ang lahat ng mga instrukyon kay Rivamonte. Sabi ni Galang, mahilig ito sa magarbong piyesta sa Bansud.®



 
 
Nagbigkis tayong mga Bansudeño para sa pagkakamit ng katarungan at kapayapaan, para sa tunay na serbisyong panlipunan at tunay na pampulitikang pagbabago


Picture
Roy P. Mudanza
Ni Roy P. Mudanza

Mahal natin ang bayan ng Bansud. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating reporma at tunay na pagbabago.

Aspirasyon nating matiyak na ang susunod na henerasyon ay makapamuhay sa isang bayang tunay na mapayapa, maunlad at may pagmamalasakit sa bayan at mamamayan.                                                             
 

Nagbigkis tayong mga Bansudeño para sa pagkakamit ng katarungan at kapayapaan, para sa tunay na serbisyong panlipunan at tunay na pampulitikang pagbabago.
 
KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN
   

Sigaw nating mga Bansudeño ay katarungan at kapayapaan sa ating bayan. Walang kapantay sa kasaysayan ng Bansud ang kriminalidad at karahasan sa ilalim ng administrasyon ng Morada Gang. Kabilang dito ang laganap na nakawan ng mga alagang baka ng mga magsasaka, akyat-bahay at nakawan sa mga tindahan, paglaganap ng ipinag-babawal na droga at walang pakundangang pagpaslang. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa labing-anim (16) ang biktima ng pamamaslang. Ilan sa mga biktima ay pinatay sa plaza sa harap ng munisipyo sa katanghaliang-tapat at ang isa ay sa loob mismo ng motor pool ng munisipyo - tumunganga lamang si Morada at walang ginawang hakbang para sa katarungan.

Mas malubha pa, iresponsableng itinalaga ni Morada si Nestor Rivamonte bilang Chief Security Officer nito at pinasu-sweldo ng bayan, simula pa noong 2007, kahit isa itong WANTED at CONVICTED CRIMINAL simula pa noong 2004.
   

Obstruction of justice - Malinaw na ang pag-appoint ni Morada kay Rivamonte ay isang anyo ng pagkanlong sa isang sentensiyadong kriminal. Batay sa Presidential Decree No. 1829 ”Section 1. (c) harboring or concealing, or facilitating the escape of, any person he knows, or has reasonable ground to believe or suspect, has committed any offense under existing penal laws in order to prevent his arrest prosecution and conviction; Section 2. If any of the foregoing acts is committed by a public official or employee, he shall in addition to the penalties provided there under, suffer perpetual disqualification from holding public office.”
   

Kailan ma’y hindi makakamit ang katarungan at kapayapaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong siya din ang itinuturo ng mga biktima na lumikha ng inhustisya at karahasan. Mananagot si Morada sa batas at sa bayan. Dapat na siyang palitan!
 
SERBISYONG PANLIPUNAN


Ang Kalusugang-bayan ay Serbisyo, hindi Negosyo. Pahirap sa mamamayan ang administrasyon ng Morada Gang. Sa halip na mag-serbisyo, ginawang isang pribadong negosyo ang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC). Patuloy na pinipiga nito ang bawat maralitang naganganak sa BEmONC sa paniningil ng P3,600 nang walang kaukulang opisyal na resibo. Nararapat itigil ang paniningil ng P3,600 sa mga pasyente at pagnanakaw sa pondong-bayan mula sa BEmONC.
   

Tunay na Serbisyo para sa Malinis na Tubig inumin. Mahilig si Morada sa serbisyong pakitang-tao lamang ang epekto. Makitid, makasarili at iligal ang pamumudmod nito ng Jetmatic pump tuwing eleksiyon bilang anyo ng lantarang pamimili ng boto. Nararapat komprehensibong lutasin ang kawalan ng sistema at malinis na suplay ng inuming tubig. Dapat itayo ang Bansud Municipal Waterworks System (BMWS). Dapat ay tunay na Serbisyo, hindi ningas-kogon at pakitang-tao!
 
TUNAY NA PAGBABAGO    
   

Determinado tayo sa nais nating pagbabago para sa kagalingan ng mga Bansudeño. Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2013. Ngayon na ang pagkakataon at panahon para putulin, itakwil at wakasan ang pagha-hariharian ng Morada Gang na kilala sa katiwalian, karahasan, kriminalidad at pag-abuso sa kapangyarihan. Itaguyod natin ang Pulitika ng Pagbabago at tunay na paglilingkod sa mamamayan. Bagong Pulitika ang tamang landas tungo sa tunay na pagbabago. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlilinlang, pananakot, karahasan at paurong na pamumuno.®      
 


 
 
Picture
PRUDENTE D. SOLLER, M.D.
Abril 25, 2013

MAHAL KONG MGA KABABAYAN, KASAMA AT KAIBIGAN,

            Tulad ng aking mahigpit na pakiusap at panawagan sa bawat pagkakataon ng aking pag-ikot at pagtatalumpati sa mga barangay, muli, sa aking bukas na liham na ito, ako ay nakikiusap at nananawagan sa inyong lahat.

            Tulungan natin at iboto sa Mayo 13 si Roy Mudanza bilang Meyor ng ating bayan, tungo sa direksiyon ng pagkakamit ng isang primera-klaseng bayan ng Bansud.

            Si Roy Mudanza, ay nagtapos ng Masters Degree in Public Administration (MPA). Nagtamo ng mga matataas na pambansang karangalan sa kanyang serbisyo bilang isang malinis at magiting na Police Inspector. Kabilang dito ang Dangal ng Bayan Award (outstanding merit in public service) na iginawad ng Civil Service Commission noong 2008. Tumanggap din ng karangalan bilang isa sa sampung Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) noong 2007, na iginawad sa kanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Palasyo ng Malacañang. Nakatanggap din si Roy ng Special Award mula sa United States Department of Justice-Federal Bureau of Investigation (US-FBI).      

Matapat na Lingkod-Bayan

       Si Roy Mudanza higit sa lahat, ay isang matapat at progresibong lingkod-bayan. Mula pa noong siya ay naglilingkod bilang isang  opisyal ng pulis, at naging kaagapay natin sa pagtatanggol ng ating bayan laban sa mga NPA. Nang mga panahong iyon ang bayan natin ay nasa krisis, umiiral ang pangamba at takot sa puso ng mamamayan. Marami noon ang nangamatay, nagdulot ng lungkot at sakit ng kalooban. Nagkaisa tayo, hindi natin iniwan ang ating bayan. Pagkatapos nito sa ilalim ng pamumuno at paglilingkod ng inyong lingkod at ni Butch, at mga nagdaang punong bayan sa paggabay at sakripisyo ng mga taumbayan na marami na ang yumao, ang Barrio New Bansud na naging bayan na ang mga mamamayan ay nagkakaisa, nagmamahalan, na noon ay umiiral ang kapayapaan, katarungan, kalayaan at pagbibigay galang sa karapatang pantao. Taliwas na ito ngayon sa kasalukuyang administrasyon.

Naglipanang mamamatay-tao

            Kalabisan pang baybayin ko isa-isa ang mga nangyayari at patuloy na umiiral sa ating bayan. Maliwanag na talos ng lahat, maliban sa ilang naglilingkod sa pamahalaan na pilit nagbubulagbulagan, nagbibingi-bingihan at pilit at ipinagwawalang-bahala ang mga naglipanang mamamatay-tao at kriminal at hindi tamang paggamit sa kaban ng bayan na nagmula sa ating pawis at nangapal nating palad at balikat.

Pagpupugay sa mga naunang lingkod-bayan      

            Higit sa lahat ang panahon ng makulay na kasaysayan ng ating mahal na bayan mula pa sa mga mabuting halimbawa ng mga yumaong mga ama at ina at mga punong bayan. Nagpupugay tayo sa mga naunang lingkod-bayan kabilang sina Leon S. Mampusti, Felimon Salcedo, Alejandro Minay, Noel Averion, Paulino Dela Peña, Nicanor Matinig, Vicente de Guia, Benito Calingasan, Rogelio B. Misal, Jose Castillo. Ibat-ibang matapat na lingkod-bayan tulad nina Jardeliza, Lusterio, Minay, Lambot, Semilla, Justiniano, Mendoza, Suan, Closa, Madrid, Mijares, Mallorca, Montesa, Manato, Pantoja at mga naunang mga mamamayan nang ang New Bansud ay gubat pa. Hatid ko din ang katulad na pagpupugay sa mga hindi ko na naitala dito.

Mga bagong lingkod-bayan

            Huwag tayong magkakamali na bulagin ang ating pananaw sa pagpili ng bago at tamang lider na pagkakalooban natin ng karangalang punong bayan, pangalawang punong bayan at mga kagawad ng sangguniang bayan sa nalalapit na halalan 2013.

            Naranasan na natin ang anim na taong atrasadong paglilingkod ng kasalukuyang administrasyon. Paghambingin nating mabuti ang pagkatao at integridad ng humaharap sa atin na mga aspiranteng kandidato. Piliin natin ang mga lider na maka-masa ang plataporma.

Reporter ng Bayan

            Sikapin nating basahin ang mga makabuluhang isyu ng pahayagang Reporter at mga katulad pang babasahin. Na ang layunin ay ilantad at ipalaganap ang mga katotohanan at impormasyon na pilit ikinukubli ng kasalukuyang adminstrasyon. Ayaw nating magpalinlang. Kalakip sa mga babasahing ito ang kopya ng 8-point reform agenda ni Roy Mudanza at kanyang grupo. Ang 8 puntong reporma tungo sa progresibong Bansud ay inyong basahin, itago, paka-ingatan at ariin natin na isang sagradong bagay na kontrata ng Roy Mudanza Administration at ng mamamayan ng Bansud.                                                              
Mapanghati ang kasalukuyang Adminstrasyon

            Sa anim na taon ng pamumuno ng kasalukuyang meyor ay hindi ko kailanman naranasan at nadama ang paggalang at pagpapahiwatig sa kanyang mukha at kilos ang diwa ng pagkakasundo. Hinintay kong marinig mula sa kanya ito, “talo ka Ninong subalit nakalipas na iyon. Tulungan mo ako at magkabalikat tayong ipagpatuloy ang mga pangarap mo at mga naunang naglingkod at mga Bansudeño.” Hinihintay ko at inaasahan ang mga katagang ito ngunit mga taon na ang lumipas di ko nakamtan ito.

            Ang maimbita ay bagay na hindi ko naranasan, na noong ako ang Meyor sa tuwing may mahalagang okasyon, kabilang ang Anibersaryo ng Bansud, pista ng bayan sa karangalan ng Mahal na Patron Sto. Niño de Bansud, Araw ng Kalayaan, Rizal Day... ang mga naglingkod ay iniimbita at sinasariwa ang kanilang mga nagawa. Gaya ng Limampung (50) Ginintuang taon ng bayan na araw sana ng makabuluhang pagdiriwang at pagsasaya, pagbabalik-tanaw at pag-alala sa nakaraan at kasalukuyang tagumpay, kaunlaran na naabot na ng bayan at kanyang mamamayan. Okasyon din sana ito para mahikayat ang mga kababayan na nasa ibayong-dagat at ibang lugar ng bansa na bumalik sa tinubuang bayan.

            Sa halip ay ang napakasakit na alaala: ang paglalagay ng pamilya Soller ng isang malaking tarpolin ng pagbati, kung saan nakatala doon ang mga nagdaang punong bayan... pinabantayan hanggang madaling araw at ng aking bisitahin pagsikat ng araw ay wala na ito. Di naman ako gaanong nagulat pagkat bawat tarpolin ng Soller ay sinisira.

            Nagtagumpay ang kasalukuyang adminstrasyon, na itanim sa puso at diwa ng bawat Bansudeño ang takot at lagim. Tama na! Wakasan na natin ang administrasyong ito.

Meyor para sa mabuting pamamahala

            Hangad at hinihiling ko po sa inyo mga kababayan, ipagkaloob ninyo sa akin at sa ating bayan ang isang meyor na kasangga at kaisa sa mabuting pamamahala. Maging kaagapay at katulong natin na muling maibalik ang bayan na iniwan ng mga nakaraang meyor at ng mga Soller. Bayang nagkakaisa sa damdamin, nagmamahalan at pinaghaharian ng kalayaan at katarungan. Pagkalooban ninyo ako ng muling pagkakataon na makatulong sa mga hinaing ng ating mga kababayan sa pagbibigay ninyo ng Meyor na kasangga ko at kasangga nating lahat.

Picture
ROY MUDANZA

Roy Mudanza Para Meyor ang kailangan

            Bilang dating punong-bayan ng Bansud sa loob ng 18 taon, nasaksihan ko ang iba’t-ibang uri at pamamaraan ng pamumuno sa ating bayan. Kabaligtaran sa kasalukuyang administrasyon ang mga nagdaang pamamahala. Higit na makabubuti sa mga Bansudeño at sa susunod na henerasyon ang istilo ng pamumuno ni Roy Mudanza na gustong ihandog sa ating bayan at mamamayan. Taglay nito ang pro-people orientation and mission at sapat na kakayahan sa alternative governance.     

            Binibigyang buhay ni Roy Mudanza ang mga konsepto at prinsipyo ng mabuting pamamahala. Kabilang ang mga konsepto ng transparent governance, accountable governance at participatory governance. Ganito rin ang pinairal ng mga naunang lingkod-bayan.

            Kaisa ako at ng mamamayan sa mga kahanga-hangang konsepto ni Roy Mudanza sa pulitika ng pagbabago. Pulitikang nakabase sa prinsipyo, plataporma at mga isyu ng mamamayan. Pulitika ng pananagutan sa bayan, integridad at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan ng sinumang nais maglingkod.

            Ibinubukas ng nalalapit na halalan sa Mayo 13, 2013 ang bibihirang pagkakataon at oportunidad sa ating mga mamamayan para sama-samang ihalal ang isang progresibo at demokratikong lider at lingkod-bayan tulad ni Roy.

            Nakikiusap at nananawagan ako sa lahat. Tulungan natin at iboto sa Mayo 13 si Roy Mudanza bilang Meyor, at kanyang buong grupo.


Picture
BOKAL BUTCH SOLLER
Muling iboto si Butch Soller

            Tulungan din natin at iboto si Butch Soller. Kasabay nito’y sama-sama nating biguin ang napakaitim na tangka at maduming maniobra, ni Ginoong Morada, na sirain si Butch hindi lang sa Bansud kundi sa buong lalawigan.


                Samahan po ninyo kami sa aming panalangin na sa huling laban ni Butch ay ipagkaloob pa din ng Panginoon at mamamayan, na ang isang Soller ay muling makapaglingkod sa bayan. 

            Ako at aking pamilya ay patuloy na maglilingkod at magmamahal sa ating mga kababayan at sa bayan. Mabuhay po kayo.





Picture
 
 
Iligal na namimigay si Morada ng Jetmatic pump at
inidoro sa pamimili ng boto
Picture
Meyor Ronaldo M. Morada
Ni Jansen Torres

CALAPAN CITY, Abril 22, 2013 - Desperado na si mayor Morada. Pailing na pahayag ito ng isang kasalukuyang Kapitan ng Barangay na hiniling na ikubli sa publiko ang kanyang katauhan sa pangambang ipitin siya ni Morada. “Tatlong lingo pa bago ang eleksiyon, pero garapalan na ang pamimili ni Meyor Morada ng boto,” dugtong pa ni Kapitan. 
            Batay dito, nagsampa ng reklamo kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code sa Provincial COMELEC si Roy Mudanza, kandidato ng UNA sa pagka-meyor laban kay Ronaldo Morada, kandidato ng LP sa pagka-meyor sa ikatlong termino nito, batay sa mga ibidensya ng garapalan at iligal na pamumudmod ni Morada ng mga Jetmatic pump sa mga barangay at sitio na mahina ang kanyang suporta.
            Ang reklamo ni Mudanza ay opisyal na tinanggap ni Atty. Fernando Besiño, OIC Provincial Election Supervisor, COMELEC, Calapan City. Tumanggap din ng kopya ng reklamo si Ronnie M. Manuel, Election Officer, COMELEC, Bansud.
            Sa interview ng Reporter kay Mudanza, pagkatapos nitong magsampa ng kaso sa COMELEC, ipinahayag nito na, ”immoral at  iligal na ginagamit ngayon ni Morada ang pondong-bayan at lohistika ng gubyerno sa kanyang kampanya. Ang pamumudmod ni Morada ng jetmatic pump at inodoro sa mga barangay ay isang garapal na maniobra sa pamimili ng boto. Tahasang pag-insulto ito sa katauhan ng mga botante. Repleksiyon ito ng desperasyon ni Morada sa kanyang napipintong pagkatalo,” paglilinaw ni Mudanza.

Vote-buying and selling
            Tinukoy din ni Mudanza ang probisyon ng Omnibus Election Code na parehong ipinagbabawal ang pamimili, at ang nagbebenta ng boto.

            Alinsunod sa Section 261 ng Omnibus Election Code, ang vote-buying and selling ay: “any person who gives offers or promises money or anything of value… directly or indirectly… in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate”. 
            Kabilang din sa kinasuhan ni Mudanza sina, Thelma Reyes, Administrador ni Morada, Barangay Health Worker Ruby Sola, at mga empleyado ng General Service Office (GSO) na sina Hector Hernandez at Sevilla Dapula kaugnay sa iligal na pamumudmod ng Jetmatic pump at inidoro.
            Sinampahan din ng kasong paglabag sa Election Code si Violeta Nazareno, Municipal Social Work Officer, sa paggamit nito sa programang 4P’s sa pamimili ng boto para kay Morada.
            Ayon kay Mudanza, ”ang mga bulok na pulitiko, katulad ni Morada at mga kampon nito ang yumuyurak sa malaya at malinis na proseso ng pagpili ng iboboto ng mga botante. Instrumento din si Morada sa pagpapababa sa kalidad ng eleksiyon sa antas ng maduming halalan. Dapat malaman ito ng COMELEC para maparusahan at madiskwalipika ang ganitong mga kurap na pulitiko at mga tauhan nito,” dagdag pa ni Mudanza.


Disqualification           
            Batay sa Sec. 68 ng Omnibus Election Code: “Sec. 68. Disqualifications. — Any candidate who, in an action or protest in which he was a party is declared by final decision of a competent court guilty of, or found by the Commission of having (a) given money or other material consideration to influence, induce or corrupt the voters or public officials performing electoral functions x x x shall be disqualified from continuing as a candidate, or if he has been elected, from holding the office. . .”
            Ayon pa kay Mudanza, nilabag din ni Morada at kanyang kampo ang kasunduan sa ”Peace Covenant” na piniramahan ng bawat panig noong Marso 3, 2013, kung saan ay pumirma din ang Bansud COMELEC, Simbahang katoliko, Bansud PNP at Philippine Army bilang mga saksi. Nakasaad sa naturang ”Peace Covenant” na bawal ang pananakot at pamimili ng boto sa anumang anyo nito.  

Bigo si Morada 
            “Bigo si Morada para lutasin nito ang kawalan ng sistema at malinis na suplay ng inuming tubig para sa mamamayan. Anim na taon na sa poder si Morada subalit walang maihain na plataporma ito sa mamamayan ng Bansud. Pakitang-tao lamang ang serbisyong alam ni Morada.
            Ang kailangan ng bayan ay maitayo ang Bansud Municipal Waterworks System (BMWS), pagdidiin ni Mudanza.®

 
 
Security Chief ni Meyor Ronaldo Morada ng Bansud, Oriental Mindoro, matagal nang wanted na criminal at sentensiyado sa kaso ng illegal drugs noon pang 2004
Picture
Ni Jasmine Santiago
Reporter
People's Newspaper
Oriental Mindoro


BANSUD, SILANGANG MINDORO, Marso 27, 2013 - Ipinag-utos ni Hon. Maria Paz Reyes-Yson, Pairing Judge, sa pamamagitan ng ”Order of Commitment”, na ikulong si Rivamente sa Bilibid Prison agad.

Noong Martes, Marso 26, 2013 ay tuluyan nang ibiniyahe sa New Bilibid Prison ang pusakal na kriminal na si Rivamonte, mula sa pagkakapiit nito sa Kampo Crame.

Sentensiyado si Rivamonte batay sa paglabag nito sa ”Section 15, Article III in relation to Section 2 (e), (f), (m), (o), Article I and Section 21, Article IV of RA 6425 (The Dangerous Drugs Act of 1972), as amended by PD No. 1683 and further amended by RA 7659”.   
Nahatulan si Rivamonte noong Hulyo 5, 2004, ng pagkabilanggo sa New Bilibid Prison, batay sa sentensiya ng RTC Branch 53, Manila, na naka-docket bilang Criminal Case No. 141680.
 
ANG PAGDAKIP KAY RIVAMONTE


Dinakip ng otoridad si Nestor Red Rivamonte alyas Baleleng noong Marso 21, 2013, ganap na alas siyete ng gabi sa Nautical Highway, Barangay Bulbogan, Gloria, Silangang Mindoro. Agad tumiklop at di na nanlaban pa si Rivamonte sa pwersa ng mga otoridad.

Nakasakay si Rivamonte sa puting brand new at wala pang plakang SUV na Toyota Fortuner, kasama ang kanyang asawang si Hazel Rivamonte at kanyang biyenan nang  arestuhin ito.

Sa pinagsanib na mga yunit ng NBI, CID, ISOD, IG at Philippine Army, inaresto si Rivamonte batay sa bisa ng Alias Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Judge Henrick  F. Gingoyon ng RTC Branch 117, Pasay City sa kasong Robbery na naka-docket  bilang Criminal Case No.02-0954 may petsang    
Disyembre 26, 2002.     

Si Rivamonte ay matagal nang wanted na kriminal batay sa isinampang reklamo ng  biktimang Taiwanese national na ninakawan at hinoldap ni Rivamonte sa Royale Condominium, Balagtas Street, Pasay City noong 2002.

Narekober ng otoridad mula kay Rivamonte ang Armscor Caliber .45 pistol, may serial no.1111482, apat (4) na magazine ng  bala at dalawampu’t siyam (29) na piraso ng bala ng caliber 45.
 
Mabilis na dinala at ibiniyahe si Rivamonte sa CID, IG National Headquarters sa Kampo Crame, Quezon City, para sampahan ng iba pang kinakailangang mga kaso at dokumentasyon bago i-turn-over sa kaukulang trial court.


Nanatiling nakakulong si Rivamonte sa Kampo Crame sa loob ng anim na araw, mula Marso 21 hanggang Marso 26, 2013.

Picture
Picture
KULONG PA DIN KAHIT NAG-PIYANSA
 
Nagbayad ng piyansa si Rivamonte sa kanyang kasong Robbery sa halagang isandaang libong (P100,000.00) piso noong Marso 23, subalit nanatili pa din siyang nakakulong.

Liban sa ”Alias Arrest Warrant” kaugnay sa kasong robbery na pinansiyahan ni Rivamonte, ay mayroon pang pitong nakaumang na ”Arrest Warrants” laban sa kanya. Lumitaw sa rekord ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iba pang mga patong-patong na kasong criminal laban kay Rivamonte. Kabilang dito ang kasong Estafa thru Falsification of Official Document, carnapping, kidnapping, murder, robbery, theft at iligal na droga.
 
WANTED SIMULA PA 1999    

Si Nestor Rivamonte alyas Baleleng ay isang wanted na bandidong kriminal simula pa noong 1999 sa krimeng ginawa nito sa Laguna, kaugnay sa kasong Carnapping at Estafa thru Falsification of Public Documents (BP Blg 22 & RA 6539).

Kampanteng nakapag-tago si Rivamonte sa batas at iba’t-ibang kriminal na pananagutan nito sa ilalim ng administrasyon ni Morada, bilang Chief Security officer ng huli, simula 2007.
ORDER OF COMMITMENT
Picture
WALONG 'ORDER OF ARREST' LABAN KAY RIVAMONTE

Batay sa rekord mula sa National Bureau of Investigation (NBI) may petsang Hulyo 22, 2012, mayroong kabuuang walong (8) ”Order of Arrest” na inilabas mula sa iba’t-ibang korte, kabilang ang mga sumusunod:

1.     RIVAMONTE, Nestor - 1716-A Airport Rd, Baclaran, Paranaque MM - (At Large) - Violation of BP Blg 22 & RA 6539 (Carnapping) & Estafa thru Falsification of Public Documents, CC # NOT STATED, Provincial Prosecutors, Sta. Cruz, Laguna 9-10-99;

2.     RIVAMONTE, Nestor y Red - 17-B Airport Rd., Baclaran, Paranaque City - Alleged Estafa, CC # NBI CASE, referred to NBI AFCCD assigned to SI P. Canlas (C) Ma. Antonia Lacuesta, 2-10-00.   

3.     RIVAMONTE, Nestor -1716 Airport Rd, Baclaran, Paranaque City - Kidnapping, CC #NBI CASE, referred to SA Cesar Bacani assigned at STP © concerned Kagawad of Sucat, 11-22-00;

4.     RIVAMONTE, Nestor - 1716-A Airport Rd, Baclaran, Paranaque City - Order of Arrest for Estafa thru falsification of Official Document, CC # 1492-SPL. RTC Br. 31 San Pedro Laguna, 12-29-00;

5.     RIVAMONTE, Nestor - 1716 Airport Rd, Baclaran, Paranaque City - Order of Arrest for violation of PD 1612 (Anti-Fencing Law), CC # 1493-SPL, RTC Br. 31 San Pedro Laguna, 12-29-00;

6.     RIVAMONTE, Nestor - c/o Doroja Law Office, No. 8 P. Tuazon Blvd., Cubao, Quezon City—Order of Arrest for Estafa, CC #01-0086, RTC Br. 253 Las Pinas City. 4-16-01;

7.     RIVAMONTE, Nestor - 4053 Airport Rd., Baclaran, Paranaque, MM - Wanted for Illegal drugs (Offense: The Dangerous Drugs Act of 1972) CC # 95 141680, RTC Br. 53, Manila, 9-3-01; at

    (Note: Batay sa kasong ito ang sentensiyang ibilanggo si Rivamonte sa New Bilibid Prison).

8. RIVAMONTE, Nestor y Red - Unit 2013 Royale Mansion, Balagtas St., Pasay City -Wanted for Robbery, CC #02-0954, RTC Br. 117 Pasay City, 12-26-02.

    (Note: Batay sa kasong ito ang ginamit na ”Alias Order Of Arrest” nang dakpin si Rivamonte).

Ganito ang kwalipikasyon ni Rivamonte para gawin itong Chief Security Officer ni Meyor Ronaldo M. Morada simula 2007 hanggang sa madakip ito ng otoridad.

Wala pa dito ang mga asuntong kinasangkutan ni Rivamonte laban sa mamamayan ng Bansud. Kabilang dito ang kidnapping, assault, at grave threat na kasalukuyang nakasalang sa OMBUDSMAN (Docket No. OMB-L-C-12-04-90), kung saan kasama sa kasong ito si Morada.

Wala nang talab ang proteksiyon ni Morada na ipinagkaloob nito sa kanyang berdugong bodyguard at chief security sa loob ng anim na taon.

May kasunod kaya si Rivamonte sa Bilibid? ®
 
 
Picture
PAG-ASA, BANSUD, Marso 9, 2013 – Sa ginanap na ”All-Leaders’ Assembly”, sa barangay Pag-asa, Bansud, isang multisektoral na miting ng mga mamamayan, inilunsad ang kampanyang-bayan laban sa mataas na singil ng Bansud BEmONC (Basic Emergency Obstetric and Newborn Care).
   

Mariing tinuligsa ng mga lider at mamamayan mula sa labing tatlong barangay ng Bansud ang mataas at di-makatarungang paniningil ng P3, 600 sa bawat nanganganak sa BEmONC. Ipinahayag din ng mga lider ang hindi pag-bibigay ng ospital ng opisyal na resibo sa bawat bayarin dito, simula pa nang maitayo ang BEmONC noong 2008.
   

Ibinunyag ng ilang lider ang ginawang labis na pagpapahirap sa kanila ni Josie Morada, Midwife at pinuno ng BEmONC program at asawa ni meyor Ronnie Morada. ”Kapag hindi kami makabayad ng halagang P3,600 o kulang ang aming pera, ginagawa kaming alipin ni Josie Morada. Maghapon kaming nag-gagamas ng damo sa harap at paligid ng kanyang bahay”.
   

Sa isang pahayag, inilinaw ni Roy Mudanza, na ang kawalan ng nararapat na resibo sa bawat transaksiyon ng mga tauhan ng gubyerno ay tahasang paglabag sa Presidential Decree 1445 (Government Auditing Code of the Phlippines), Section 68. Issuance of Official receipt.”1. No payment of any nature shall be received by a collecting officer without immediately issuing an official receipt in acknowledgment thereof. The receipt may be in the form of postage, internal revenue or documentary stamps and the like, or officially numbered receipts, subject to proper custody, accountability, and audit.”

Picture
ORDINANSA: KONTRA-MARALITA

Tinuligsa din ng mga dumalong lider ang Municipal Ordinance No. 027 S. 2011, kung saan arbitraryong itinakda ang singil ng BEmONC sa halagang P3, 600 sa bawat manganganak. Sa kanilang petisyon, ipinahayag ng mga lider na ”ang ordinansa ni Morada ay kontra-mamamayan. Ang BEmONC ay ginawang gatasang-bayan ni Morada at kanyang pangkat”.

”Ginawang pribadong negosyo ni Morada ang pampublikong serbisyo sa kalusugan. Katungkulan ng gubyernong ipagkaloob ito sa mamamayan ng libre lalo na sa mga maralitang tulad namin. Dapat ay serbisyo hindi negosyo”, pagdidiin pa ng mga lider.  
 
BUOD NG PETISYON

 
Sa kanilang pitisyon, iginigiit ang mga sumusunod:
[1] Itigil ang paniningil ng P3, 600;
[2] Ipawalang-bisa ang  Municipal Ordinance No. 027 S. 2011;
[3] Isapubliko ang multi-milyong koleksiyon ng BEmONC mula 2008- 2013; at
[4] Magbitiw sa tungkulin ang pamunuan ng BEmONC: sina DR. MARIO ORNEDO SALES (hepe ng ospital) at JOSIE MORADA (BEmONC program coordinator).      

BEMONC

Ang BEmONC ay pambansang programa ng Department of Health (DOH) -  sa layuning mabawasan ang panganib at mortalidad sa panganganak ng mga ina at kumplikasyon sa mga bagong silang na sangol. Ito din ang batayang pasilidad pangkalusugan sa bawat munisipalidad at barangay sa buong bansa.

Mayroong kapasidad itong ipatupad ang anim (6) na signal obstetric functions, kabilang ang:

[1] Parenteral administration of oxytocin in the third stage of labor;
[2] Parenteral administration of loading dose of anticonvulsants;
[3] Parenteral administration of initial dose of antibiotics;
[4] Performance of assisted deliveries;
[5] Removal of retained products of conception; at
[6] Manual removal of retained placenta (BEmONC protocol).

Alinsunod sa Millennium Development Goal (MDG), ang BEmONC program ay suportado ng Japan International Cooperation Agency (JICA), World Health Organization (WHO), United Nations Children’s Fund (UNICEF) at United Nations Population Fund (UNFPA).#


Sign online petition here

 
 
Picture
Gusali ng Bansud BEmONC (Basic Emergency Obstetric and Newborn Care) sa Bansud. Kilala din ang pasilidad na ito bilang Gov. Alfonso Umali, Sr. Memorial Emergency Hospital.
KALUSUGANG-BAYAN AY SERBISYO, HUWAG GAWING NEGOSYO!

KAMI, mga mamamayan ng Bansud, mga indibidwal na kababaihan, magsasaka, mangingisda, katutubo, organisasyong multisektoral, taong simbahan, negosyante, at naliliwanagang opisyal ng gubyerno, ay lubos na naniniwala sa mga sumusunod na batayang prinsipyo:

Ang BEmONC ay pambansang programa ng Department of Health (DOH). Layunin nitong mabawasan ang panganib at mortalidad sa panganganak ng mga ina at kumplikasyon sa mga bagong silang na sangol. Ito ang batayang pasilidad pangkalusugan para sa mga kababaihan, bata at pamilya sa bawat munisipalidad at barangay sa buong bansa; at

Ang pagtugon sa kalusugan ng mamamayan ay SERBISYO, HINDI NEGOSYO. Tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay ng pantay at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat; Ang karapatan sa kalusugan ay pundamental na karapatang-pantao ng bawat mamamayan.

BATAY DITO, kaming mga Bansudeño ay iginigiit ang mga sumusunod na

4 NA KAHILINGAN:

1. ITIGIL ANG PANININGIL NG BANSUD BEmONC ng P3,600 SA BAWAT PASYENTE:

Picture
Ito ang sample ng Bansud BEmONC na "resibo".
Ang Bansud BEmONC ay pampublikong pasilidad pangkalusugan. Ang halagang P3, 600 na singil sa bawat pasyente, kapalit ng mababang kalidad ng serbisyo nito ay labis, lagpas sa kakayanan at hindi makatarungan para sa katulad naming nakararaming maralita. Liban dito, ang bayad-serbisyo ng mga pasyente sa Bansud BEmONC ay wala ding kaukulang opisyal na resibo. Ang ANOMALYA sa kawalan ng opisyal na resibo ay simula pa nang maitayo ang BEmONC noong 2008.

Pandarambong sa pondong publiko ang katumbas nito. Ang iregularidad na ito ay tahasang paglabag sa Presidential Decree 1445 (Government Auditing Code of the Phlippines):

Section 68. Issuance of Official receipt. 1. No payment of any nature shall be received by a collecting officer without immediately issuing an official receipt in acknowledgment thereof. The receipt may be in the form of postage, internal revenue or documentary stamps and the like, or officially numbered receipts, subject to proper custody, accountability, and audit.

2. IPAWALANG-BISA ANG MUNICIPAL ORDINANCE No. 027 S. 2011:

Sa halip na gamitin ang BEmONC bilang oportunidad na magserbisyo, kabaliktaran ang ginawa ni Meyor Morada. Ginawang NEGOSYO ni Morada ang mga serbisyo sa BEmONC, sa pamamagitan ng isang ordinansang di-dumaan sa masusing public hearing – arbitraryo nitong itinakda ang P3, 600 na singilin sa bawat pasyenteng maralita.

Ang BEmONC program ng DOH ay abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa maralita. Tinalikuran at inabandona ng kasalukuyang administrasyon ni Morada ang tungkulin nitong tugunan ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan ng mga maralita at mamamayan. Ang esensiya ng naturang ordinansa ay kontra-maralita, DAPAT IPAWALANG-BISA AT IBASURA!

3. ISAPUBLIKO ANG REKORD NG MULTI-MILYONG PISONG KOLEKSIYON NG BEmONC MULA 2008- 2013:

Alinsunod sa mga alituntunin ng TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY at FULL DISCLOSURE POLICY, nararapat maagap at regular na ipakita sa publiko ang audited report ng multi-milyong Pisong nakolekta ng BEmONC sa maralita at mamamayan – ang pondo ng BEmONC ay pondong publiko.

Batay sa R.A.7160:
“Section 352, Local Government Code of 1991 requires the posting within 30 days from the end of each fiscal year in at least three (3) publicly accessible and conspicuous places in the local government unit a summary of all revenues collected and funds received including the appropriations and disbursements of such funds during the preceding year”.

4. MAGBITIW SA TUNGKULIN SINA DR. MARIO ORNEDO SALES (hepe ng ospital) at JOSIE MORADA (BEmONC program coordinator):


Walang tunay na malasakit sina Dr. Sales at Josie Morada. Pareho silang di seryoso sa tunay na diwa ng pagbibigay ng serbisyo sa pampublikong kalusugan.

Pareho silang hindi mapagkakatiwalaan para pangalagaan ang pondo ng bayan. Hindi karapatdapat manatili sa tungkulin si Dr. Sales at Josie Morada.

Si Josie Morada bilang BEmONC program coordinator ay abusado at di-makatao. Ang mga pasyenteng hindi makabayad ng halagang P3,600 o kulang ang kanilang pambayad, ay ginagawa nitong alipin ang mga pasyente, lalo na ang mga kapatid na katutubo. Maghapon silang nag-gagamas ng damo sa harap at paligid ng kanyang bahay.

Si Dr. Sales at Josie Morada ay patuloy na nilalabag ang buong probisyon ng Republic Act No. 6713 – “The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees."

CAMPAIGN SECRETARIAT Marso 2013


PLEASE SIGN ONLINE PETITION HERE
 
 
"What is interesting is that a jailed former leader of the National Democratic Front was instrumental in preparing the requirements for the award".
Picture
Re-posted


August 15, 2007
Madonna Virola
Inquirer, Southern Luzon

CITY OF CALAPAN – Senior Police Officer Geroilan “Roy” Pajarillo Mudanza was an awardee during a recent search for the Country’s Outstanding Policemen in Service by the Metrobank Foundation and the Rotary Club of New Manila East.

What is interesting is that a jailed former leader of the National Democratic Front was instrumental in preparing the requirements for the award.

 
“The board of judges was surprised to hear that a former leader of the NDF/NPA helped package my requirements for the award,” said Mudanza, provincial team leader of the regional intelligence unit of the Mimaropa (Mindoro Marinduque Romblon Palawan) police office in Camp Vicente Lim in Laguna.

“He fits my concept of a police officer for the masses—one who carries out his duty, is honest, respects the rules of engagement …” said Eduardo Serrano, Mudanza’s former enemy in the insurgency battlefield.

 
Serrano spent three years at the Oriental Mindoro Provincial Jail (OMPJ) where he worked closely with prison officials in conducting livelihood, health and paralegal projects for the prisoners.

He was transferred to Camp Crame on Aug. 12 after a Quezon City regional trial court ordered OMPJ warden retired police Supt. Rolando Gonzalez to bring him to the detention quarters in Camp Crame in consideration of the political nature of his case.

 
Serrano and two women, tagged by the military as NPA members, were arrested by police and Army intelligence men on May 2, 2004.

Serrano facilitated the formation of a multipurpose cooperative, which enabled the prisoners to purchase their basic necessities, while helping coordinate income-generating activities such as abaca crafts-production, kite-making, Christmas decors-making and candle-making for the inmates and their families.

Serrano is now pursuing a masteral degree on Environment and Natural Resources at the Open University of the University of the Philippines.

JUSTICE

Mudanza’s award was most welcomed by his family.

 
“People in our town couldn’t believe that my husband is a national awardee,” said his wife Winnie, a public elementary school teacher.

 
“We felt vindicated that after many years of made-up stories by some politicians to destroy me, justice prevailed,” said Mudanza who is based in Oriental Mindoro.

 
For security reasons, Mudanza could not freely roam around in his town after he got the ire of politicians whom he had contradicted.

“He wears a helmet so as not to be recognized. He is better known in the mountains and other towns where he works on his assignments,” said his wife.

Mudanza helped the Aeta families settle in a cogonal parcel of land that had been covered by the government’s Comprehensive Agrarian Reform Program and subsequently foreclosed by a bank.

More than 10 years ago, Mudanza met a group of Aeta people along a river in Pinamalayan town. In jest, he told them to go to Bansud town for land so they didn’t have to move from one place to another.

Unaware that land was a serious concern for the Aeta folk, Mudanza was surprised one day to see five from that group at his doorstep in Bansud, about 3 kilometers from Pinamalayan.

He referred them to the barangay chair who guided them to the parcel of land.

More than 30 Aeta families from Cavite, Laguna, Quezon, Negros, Iloilo and parts of Bicol became the first settlers in that piece of land.

Then a few non-Aeta families and CARP beneficiaries also arrived to make use of the more than 400 hectares of uncultivated land for settlement.

They have since increased to more than 100 today and call Mudanza their “Kuya” (elder brother) for acting as such in times of hunger, calamity, threats from those who want their land, and those who accuse them of being New People’s Army members.

 “The nominee was able to ‘resettle’ and not just ‘relocate’ a wandering group of Aetas. And by helping them establish a source of living, coupled with an educational opportunity and security of tenure to their abode, these people would be prevented from becoming victims of criminal acts that they may not resist, especially when their families are unjustly treated and eventually impoverished by the long tentacles of poverty and helplessness,” said Serrano in his writeup on Mudanza as nominee.

Mudanza was able to work out a housing project for the Aeta folk from a diocesan program of the Apostolic Vicariate of Calapan and the Couples for Christ of Roxas town, and the Gawad Kalinga once an agreement was finalized with the mayor.

ORGANIZING

Since 1969, as an intelligence officer of the second police district command under the leadership of then Inspector Rolando Gonzales, Mudanza helped establish the Bayanihan Pederasyon of Silangang Mindoro among the village officials and village watchpersons in the fight against criminality and insurgency.

In 2003, almost 90 percent of village officials surrendered their unlicensed firearms for proper accreditation.

The federation is now in almost all the municipalities of the province, with about 3,000 members, including the City of Calapan.

Since 1994, Mudanza has been extending assistance to 50 rebel returnees (RRs) in Bansud.

The RRs grew tired of fighting and had personal problems affecting their families or loved ones, said Serrano.

Mudanza helped clear the names of these RRs and encouraged them to start a new life until they became models to the farmer-settlers in cultivating the abandoned land and domesticating farm animals.

He complemented the efforts of Gonzales, his commanding officer, in regularly visiting the RRs and strictly prohibited any operating force in the hinterlands to use them as guides in military operations against their former comrades.

Mudanza helped in following up their applications for livelihood funds intended for RRs. These RRs then volunteered as village watchpersons.

Mudanza and Gonzalez are exerting effort to secure 40 slots from the Gawad Kalinga for them to be installed in Sitio Narra, Barangay Villa Pag-Asa in Bansud.

“Being a part of their extended families, these rebel-returnees became familiar acquaintances during special occasions of the Gonzales family and on holidays sharing the fruits of their labor and love from their respective families,” said Serrano.

COMMUNITY SERVICE


Mudanza has also been assisting beneficiaries of land reform in Barangay Conrazon, Bansud since June 2004.

He encouraged the beneficiaries to make more productive the abandoned pasture land, hoping that it would help the farmers keep their trust in the government and not resort to illegal ways.

He mobilized the youth in community projects like the sandbagging operations during the floods that hit Calapan City and its adjacent towns in December 2005.

For outstanding performance in service, Mudanza received several awards as police intelligence officer, including a special award in 2005 from the Federal Bureau of Investigation for the arrest of Geronimo Zuñiga who was wanted in the United States for stabbing to death his former wife about 20 years ago. #


Source: http://www.inquirer.net/specialreports/thesoutherncampaign

 

local politics, good governance, transparency, accountability, people's participation, political reform, reform politics, bansud, oriental mindoro