OPERATION: SAGIP-MATA
BANSUD, ORIENTAL, MINDORO - Sa pangunguna ni ROY P. MUDANZA, at sa pamamagitan ng RPM (Reporma Para sa Mamamayan), katuwang si DOMS CARAMOAN, matagumpay na nailunsad ang proyektong "Serbisyong Mudanza" para sa mga Bansudeño. Ang proyekto ay tinawag na, “OPERATION: SAGIP-MATA PARA SA MGA SENIOR CITIZENS” - libreng tsek-ap at konsulta sa mata (Cataract Screening) lalo na ang mga mayroong suliranin sa katarata.
Sinimulang ilunsad ito noong Oktubre 14, 2012, sa RPM Headquarters, National High-way, Barangay Pag-asa, Bansud, Oriental Mindoro.
Target ni Roy Mudanza ang 200 kwalipikadong senior citizens o mga beneficiaries, para sa libreng operasyon sa katarata. Ang proyektong ito ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng Buklod, Inc. at Sta. Lucia Health Care Centre. Katuwang din sa ganitong pagsisikap ang mga lider ng RPM kabilang sina: Arnel Delmo De Chavez; Tito Axibal Catubay; Aileen Mampusti Mambil; Edgardo Florida Calderon; Emilio Mabunga Royo; Efren Pajutrao Mansalapuz; Eleazar Cabana Barber at Adel Manato Rubio at iba pang mga kaibigan at mamamayan ng Bansud.
Ang libreng serbisyong ito ni Mudanza ay bukas sa lahat ng mga kababayan nating may suliratin sa paningin lalo na ang mga senior citizens. Pagkatapos maisagawa ang tsek-ap at konsulta sa mata, ang mga kwalipikadong beneficiaries ay ibi-biyahe bawat batch mula sa Bansud patungong Maynila. Pagkatapos silang ma-operahan ay magpapahinga sa loob ng isang lingo ang mga pasyente, sa inihanda ni Mudanza na housing - isang malaking bungalow sa loob ng isang pribadong subdibisyon sa Lunsod Pasig.
LIBRENG SERBISYO ang lahat - mula sa gastos sa pamasahe paroo't parito sa Bansud-Manila, kabilang ang probisyon sa pagkain at meryenda para sa loob ng isang linggo habang sila'y nagpapahinga pagkatapos ng kanilang operasyon.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 131 senior citizens ang bilang ng na-operahan sa katarata. Walang pagsidlan ang taglay na kasiyahan ng bawat pasyente at kanilang pamilya, pagkatapos silang matagumpay na ma-operahan sa katarata at muling manumbalik ang kanilang mga paningin. Katulad ng mag-asawang na-operahan, pagkatapos kapwa magdusa sa kadiliman sa loob ng limang taon, ngayon ay muli na nilang nakikita ang isa't-isa at ang kapaligiran. (tignan ang listahan sa ibaba):