RPM Founding Assembly
BANSUD, Oriental Mindoro, Setyembre 1, 2012 - Sabik na dinaluhan ng mga lider mula sa labing-tatlong Barangay ng Bansud, ang ginanap na Founding Assembly ng Reporma Para sa Mamamayan (RPM).
Ginanap ito noong Setyembre 1, 2012, sa National High-way, Barangay Pag-asa, Bansud. Ang makasaysayang inisyatibang ito ay pinangunahan ni Roy P. Mudanza, isang progresibong lider-sibiko mula sa Barangay Pag-asa. Katuwang dito ni Mudanza si Doms S. Caramoan, isang matagumpay na negosyante mula sa Barangay Malo. Lubos din ang pakiki-isa dito ni Bokal Butch Soller at iba pang lider sa Bansud. Watch video Ambulance on Foot
BANSUD 2009 - Dokumentasyon ni Kara David, ang lugar ng mga "Gamu-gamo sa Dilim," ang bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro. Ginawa ang dokumentasyon ng i-witness noong 2009, subalit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling lubhang atrasado ang public health services ng gubyerno para sa mamamayan ng Bansud. Batay sa nariritong tatlong serye ng dokumentasyon, sumusigaw ang malaking pangangailangan ng atensiyong medikal at serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan. Watch video
|