Bansud 2009 - Dokumentasyon ni Kara David, ang lugar ng mga "Gamu-gamo sa Dilim," ang bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro. Ginawa ang dokumentasyon ng i-witness noong 2009, subalit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling lubhang atrasado ang public health services ng gubyerno para sa mamamayan ng Bansud. Batay sa nariritong tatlong serye ng dokumentasyon, sumusigaw ang malaking pangangailangan ng atensiyong medikal at serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan.