SUMAPI SA RPM - Ang Kilusang Reporma!
1. Ano ang Reporma Para sa Mamamayan o RPM? Ang RPM ay isang sosyo-pulitikong kilusan ng mamamayan sa bayan ng Bansud para sa kagyat na reporma at tunay na pagbabago tungo sa mabuting pamamahala sa Bansud (Citizen’s Movement for Genuine Change & Good Governance). 2. Anu-ano ang mga layunin at tungkulin ng RPM? A. Ang RPM a tumatayong “Citizen’s Watchdog” para ilantad at labanan ang mga katiwalian at kabulukan sa Bansud, kasabay sa pagsusulong ng mga reporma tungo sa tunay na pagbabago at mabuting pamamahala; B. Buuin, paunlarin at ipalaganap ang isang People’s Agenda for Change; K. Itaguyod ang mga kampanya’t pagkilos kaugnay ng mga isyu at adhikain ng mamamayan na nakapaloob sa ating People’s Agenda for Change; D. Sa electoral response - Suportahan at itaguyod ang mga tunay na lider at pinuno ng mamamayan na yumayakap sa pagbabago ng sistemang pulitikal at pang-kabuhayang makamamayan; at E. Labanan at biguin ang anumang tangka sa pandaraaya sa darating na eleksyon. Kikilos tayo ng aktibo para sa malinis, makatarugan at malayang eleksyon. 3. Sinu-sino ang bumubuo ng RPM? Ang RPM ay binubuo ng mga indibidwal at grupo ng mamamayan mula sa hanay ng mga propesyunal, kabataan/estudyante, kababaihan, taong simbahan, driver, vendors, negosyante/entrepreneur, magsasaka/mangingisda, mga kapatid na Mangyan, senior citizens, lider-pulitiko at barangay. Kabilang din ang mga mamamayan mula sa Kooperatiba, People’s Organizations (POs), Non-Governmental Organizations (NGOs) at Civic Organizations (Rotary Cub, Lion’s Club at iba pa). 4. Paano ang pagsapi sa RPM? Sa batayang indibidwal ang pagsapi. Sagutan lamang ang application form sa likod nito para iproseso ang inyong pagsapi. Bukas ang RPM sa lahat ng mamamayan ng Bansud na mayroong edad na labing walong taong gulang (18) pataas para maging Regular Member. Tatanggapin din bilang Associate Member ang mga kabataan mula sa edad na katorse hanggang desisyete (14-17). Libre ang pagsapi. 5. Paano natin isasabuhay ang pagmamahal sa bayan? Para sa reporma at tunay na Pagbabago sa Bansud, ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa pagtataguyod sa mga adhikain ng mamamayan na nakapaloob sa ating Walong (8) puntong People’s Agenda for Change o Adyenda ng Mamamayan para sa Pagbabago. Kabilang sa people's agenda ang: 1. Reporma para sa Peace & Order! 2. Reporma para sa Tunay na Serbisyo sa Mamamayan! 3. Repormang Pangkabuhayan! 4. Reporma para sa Kabataan at Out of School Youth (OSY). 5. Repormang Pangkalikasan! 6. Reporma para sa mga Kapatid na IP’s! 7. Reporma para sa Mabuting Pamamahala! 8. Reporma para sa People Empowerment! Download application form: Sa lahat ng mga mamamayan ng Bansud na interesadong sumapi sa kilusang reporma ay maaaring i-download ang application form sa ibaba. Pagkatapos masagutan ang form ay isumite sa mga kinauukulang RPM coordinators na makikita sa gawing kanan ng page na ito. Maraming salamat.
|
RPM Coordinators:
Salome Metrillo
Municipal Coordinator Contact No. 0939-8730-563 Cresanto Ruado Brgy. Pag-asa Coordinator Contact No. Cora de los Santos Brgy Poblacion Coordinator Contact No. 0921-58-49-380 Rowena Mercene Brgy Conrazon Coordinator Contact No. 0909-9160-179 Ligaya Ona Brgy Villapagasa Coordinator Contact No. Wilmina Amar Brgy Manihala Coordinator Contact No. 0912-7310-082 Josephine Pacia Brgy Rosacara Coordinator Contact No. 0907-9608-968 |