Walong Puntong Reporma Tungo sa Progresibong Bansud
Mahal natin ang bayan ng Bansud. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating reporma at makabuluhang pagbabago.
Nagbigkis tayo sa ating kilusan para sa pagbabago at tiyakin na ang susunod na henerasyon sa ating bayan ay makapamuhay sa isang bayang tunay na maunlad at may pagmamalasakit mamamayan. Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2013, para putulin at wakasan ang pagha-hariharian ng kasalukuyang lokal na administrasyon na kilala sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan, pamumunong paurong at walang direksiyon. Nais natin ang hustisya para sa mga biktima ng "extrajudicial killings" sa ating bayan. Ngunit higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang lokal na administrasyon ang nais natin. Mas mahalaga ang kinakailangang reporma at makabuluhang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang kahirapan, kawalan ng hustisya, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Pagbabagong nagdadala ng komprehensibong pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang programa para sa Bansud. Ang pagmamahal natin sa bayan sa kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa pagtataguyod sa mga aspirasyon at adhikain ng mamamayan na nakapaloob sa mga sumusunod na Walong Puntong Reporma tungo sa progresibong Bansud: 8 PUNTONG REPORMA: 1. REPORMA para sa Peace & Order: KATARUNGAN PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG PAMAMASLANG SA BANSUD! Wakasan ang karahasan. Umaabot sa 15 kaso ng pamamaslang sa ating bayan ang di pa nareresolba hanggang sa kasalukuyan. Lahat ay naganap sa nakalipas na anim na taon, sa ilalim ng kasalukuyang lokal na administrasyon. Dakpin, ikulong at litisin ang mga GANGSTER at WANTED na kriminal sa Bansud; Sugpuin ang sindikato ng droga. Maglagay ng CCTV Camera sa bawat barangay at eryang komersiyal; Itayo ang ”Para-legal group” sa bawat barangay para sa mabilis at libreng serbisyong legal sa mamamayan, lalo na sa mga maralitang kababayan. – HANGAD NATIN AY KATARUNGAN! 2. REPORMA para sa Tunay na Serbisyo: HUWAG GAWING NEGOSYO ANG SERBISYO SA KALUSUGAN! Tunay na serbisyo sa Kalusugang-Publiko: Itigil ang di-makatarungang paniningil ng P3,600 sa mga maralitang nanganganak sa Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC); Magtayo ng Birth Center (lying-in) sa bawat barangay; Itigil ang pagnanakaw sa pondong-bayan ng BEmONC. Ipakita sa publiko ang Audited (ng Commission on Audit) na koleksiyon ng BEmONC simula 2008 hanggang 2013. Tunay na Serbisyo sa Kabataan: College Scholarship Grant sa bawat maralitang pamilya; Study Now-Pay Later sa mga out of School Youth (OSY). Tunay na Serbisyo para sa Malinis na Tubig inumin: Lutasin ang kawalan ng sistema at malinis na suplay ng inuming tubig. Itayo ang Bansud Municipal Waterworks System (BMWS). Itigil at wakasan ang pakitang-tao na serbisyo at iligal na pamumudmod ng Jetmatic pump tuwing eleksiyon bilang kubling pamimili ng boto. TUNAY NA SERBISYO, HINDI PAKITANG-TAO! 3. REPORMANG pang-Kabuhayan: Primera-Klaseng Bansud: ITAYO ANG BANSUD ECONOMIC DEVELOPMENT ZONE Mula sa atrasado at segunda-klaseng bayan, gawin nating primera-klaseng bayan ang Bansud. Tungo rito, itayo ang BANSUD ECONOMIC DEVELOPMENT ZONE (BEDZ) at likhain ang hanap-buhay para sa mamamayan! Proteksiyon at insentibo sa mga Entrepreneurs/ Negosyante at Agri-Business/ Kooperatiba; Maglaan ng lubos na suporta at atensiyon sa kagalingan ng mga mag-sasaka at mangingisda; 4. REPORMA sa Agrikultura: Para sa malusog at sustainable food production: ”BACK TO BASICS, GO ORGANIC” - Gawing Organic Capital ang Bansud sa buong lalawigan ng Silangang Mindoro; - Itayo ang Bansud Bio-Organic Research and Development Center (BRDC) bilang hakbang para sa institusyunalisasyon, debelopment at sentro ng promosyon ng organic agriculture sa Bansud, batay sa Philippine Organic Agriculture Act (Republic Act No. 10068); - Itayo ang ”Municipal Coastal Resource Management” (MCRM), bilang sentrong ahensiya sa Bansud para sa proteksiyon, preserbasyon at regulasyon sa mga lugar pangisdaan sa saklaw ng bayan; at - Itayo ang ‘Farm-to-Market Trading Center’, bilang sentral na bagsakan ng lahat na mga produktong agrikultural, na organiko (at di organiko). Magkatuwang na pangangasiwaan ito ng lokal na pamahalaan at kooperatiba ng mga magsasaka. 5. REPORMANG Pang-Kalikasan: PROTEKSIYON SA KALIKASAN at MAMAMAYAN! Ilunsag ang WASTE-TO-ENERGY PROGRAM - Paglikha ng alternatibong enerhiya mula sa mga basurang-bahay, agrikultural at komersiyal. Ipalaganap ang pampubliko at pribadong gamit ng Electronic Tricycle o e-Trike service sa bawat barangay; 6. REPORMA para sa mga Kapatid na Katutubo! KATUTUBO, KATUWANG SA REPORMA AT PAGBABAGO! Ilunsag ang WASTE-TO-ENERGY PROGRAM - Paglikha ng alternatibong enerhiya mula sa mga basurang-bahay, agrikultural at komersiyal. Ipalaganap ang pampubliko at pribadong gamit ng Electronic Tricycle o e-Trike service sa bawat barangay; 7. REPORMA para sa Mabuting Pamamahala: BUKAS AT DEMOKRATIKONG PAMAHALAAN NG BANSUD! Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala ang susi sa mga reporma laban sa korupsiyon. Ipatupad ang Transparency, Accountability at People’s Participation sa local governance. Ipatupad ang FULL DISCLOSURE POLICY(pampublikong kontrata at kasunduan, taunang gastos at kita ng munisipyo); Ipatupad ang ONLINE at LIVE coverage (real-time) ng bawat sesyon ng Sangguniang-Bayan; Maglunsad ng ispesyal na sesyon ng koseho sa bawat barangay; at; 8. REPORMA tungo sa Pulitika ng Pagbabago: BAGONG PULITIKA ANG TAMANG LANDAS TUNGO SA TUNAY NA PAGBABAGO! ISAKATUPARAN ang PULITIKA NG PAGBABAGO at tunay na paglilingkod sa mamamayan. Bagong Pulitika ang tamang landas tungo sa tunay na pagbabago. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlilinlang, pananakot, bandidong pamumuno at karahasan! (Tignan po ang presentation sa ibaba para sa mga detalye): BANSUD Oriental, Mindoro - ROY P. MUDANZA is heeding the call for the 2013 election challenge, in pursuit of a pro-people and new kind of governance, new politics, and collective leadership in the Municipality of Bansud, Oriental Mindoro. “I wish to make the meaningful social and political change we desire as a Bansudeño and the goal of social reform and good governance”, Mudanza said during the RPM founding assembly on September 1, 2012.
|
|