ROY MUDANZA: Meyor ng Masa
Si Roy Pajarillo Mudanza ay dating Police Inspector. Inilaan niya ang kanyang makabuluhang dalawampu’t anim na taon (26) sa serbisyo sa Philippine National Police. Tumanggap siya ng iba’t-ibang pambansang karangalan, kabilang ang Dangal ng Bayan Award na iginawad ng Civil Service Commission noong 2008 at Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) noong 2007 at iba pang pagkilala sa kanya bilang modelong upisyal ng pulis at lingkod-bayan.
KILALANIN NATIN SI ROY
Ipinanganak si Roy sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental, mula sa mga magulang na magsasaka, noong Mayo 8, 1964.
Sa kanyang murang gulang, nasaksihan ni Roy ang mahirap na kalagayan at pakikibaka ng mga magsasaka sa Negros. Namulat at tinaglay niya ang diwang makabayan at maka-masa mula sa kanyang amang lider-magsasaka, na noon ay lider-organisador at tagapangulo ng Federation of Free Farmers (FFF) sa kanilang lalawigan.
Bilang kabataan, pinangarap ni Roy na maging isang inhinyero. Nag-enrol sa Colegio de San Agustine de Bacolod para sa kursong Mechanical Engineering. Subalit dulot ng pampinansiyal na kagipitan, naobliga si Roy na tumigil sa kanyang pag-aaral.
Independiyente si Roy sa kanyang kabataan. Tumanggap siya ng iba’t-ibang klaseng pansamantalang trabaho, para matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Walang kasiguruhan sa regular na pagkakakitaan, kayat nagpasya si Roy na subukan ang pagta-trabaho sa ibayong-dagat. Nasa isipan noon ni Roy na ang pag-kita ng dolyar sa Saudi Arabia bilang Overseas Contract Worker ang paraan para umahon sa kahirapan.
Nakarating si Roy sa Manila, nang araw na paslangin si ex-Senator Benigno ”Ninoy” Aquino, Jr., Agosto 21, 2003. Ang kanyang tangka na magtungo sa Saudi Arabia ay naudlot, dulot ng malubhang krisis sa lipunan at pulitika ng bansa. Sumambulat sa Metro Manila ang kilusang protesta laban sa mapanupil na diktadura ni Marcos.
Nagpasya si Roy na huwag nang ituloy ang kanyang planong mangibang-bayan bilang contact worker. Muli, pinasok niya ang iba’t-ibang klase at maliliit na trabahong mapag-kakakitaan. Sa loob ng halos apat (4) na taon ni Roy sa Metro Manila, wala itong nakuhang regular na trabaho. Hindi siya kontento sa ganitong kalagayan.
LINGKOD-BAYAN
Taglay ang diwang makabayan, sinubukan ni Roy na magsumite ng aplikasyon bilang sundalo sa dating Philippine Constabulary (PC). Katatapos lamang noon ang People Power Revolution. Sa kanyang pananaw, isa itong oportunidad para maglingkod sa mamamayan at bayan. Oktubre, noong 1987, sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Cory Aquino, natanggap siya bilang konstableng sundalo.
Bilang isang regular na sundalo, bitbit ni Roy sa kanyang pananaw ang tunay na diwa ng Serbisyo, Kapayapaan at Kaunlaran.
Sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino, binuwag ang dating magkasanib na PC-INP at binuo ang pinalakas na Philippine National Police o PNP. Kabilang si Roy at iba pang mga konstable ng PC ang naisanib sa PNP. Nai-assign siya sa iba’t-ibang yunit at tungkulin. Mula sa mababang antas, mabilis na tumaas ang kanyang rango at posisyon sa PNP.
MASTER’S DEGREE
Kahit nasa serbisyo, sinikap ni Roy na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, hindi na nga lamang bilang isang inhinyero. Sinunggaban niya ang oportunidad na ibinigay noon ng Bicol University sa mga under-gradute na miyembro ng PNP. Grumadweyt si Roy sa kursong Bachelor of Arts in Peace and Security Studies.
Kahit isa na siyang lubos na propesyunal, nagpatuloy si Roy sa kanyang pag-aaral. Sa gitna ng kanyang mga tungkulin at responsibilidad bilang mataas na upisyal ng PNP, nakagawa si Roy ng mga paraan upang makapag-enrol sa PUP, Bansud, Silangang Mindoro, Open University Study, para kunin ang Master in Public Administration (MPA). Natapos ni Roy ang kanyang Master’s Degree noong Mayo 2011. Ngayon ay itinuturing na siyang isang master sa Public Organizations and Administration. Lubos siyang kwalipikado bilang punong-bayan.

PAMILYA AT SERBISYONG MASA
Mapag-mahal at mapag-kalingang asawa si Roy. Napangasawa niya si Winnie Sarmiento, isang guro sa Bansud, Silangang Mindoro. Nakapagbuo ng pamilya at nabiyayaan sila ng tatlong anak na mga babae. Napagtapos na din ni Roy at kanyang asawa ang una nilang dalawang anak (na kambal), sa kursong Nursing.
Katuwang ang kanyang mapagmahal na asawa at pamilya, regular na naglulunsad si Roy ng iba’t serbisyong pang-kabuhayan at pang-kalusugan para sa mamamayan ng Bansud. Kabilang ang pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, magsasaka, senior citizen at mamamayan.
Resettlement sa mga Aeta - Noong 1993, pinangunahan ni Roy ang pagsasa-ayos ng resettlement sa barangay Pag-asa para sa 30 Aeta na nagmula pa sa Cavite, Laguna, Quezon, Negros, Iloilo, Bicol at Mindoro. Umabot na sa kasalukuyan sa mahigit 100 pamilya ng mga katutubo at magsasaka ang naninirahan sa resettlement na ito. Regular ding namamahagi si Roy at pamilya nito ng ayuda at suporta sa resettlement. Katuwang ang iba pa niyang kama-anak, regular ang pamamahagi niya ng relief goods, school supplies, school uniform, pa-alagang baboy at kalabaw.
Cattle Dispersal - Noong Pebrero 1995, sinimulan ni Roy ang proyektong cattle dispersal sa barangay Pag-asa. Sa naipong halaga mula sa maliit na sahod nilang mag-asawa, nakabili si Roy ng mag-asawang baka. Ipinaalaga sa isang pamilyang pito ang anak at walang regular na hanap-buhay. Nanganak at dumami ang mga alagang baka. Ipinapaalaga naman ang mga anak sa iba pang pamilya. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 50 baka ang kanilang inaalagaan.
Relief Mission sa Biktima ng Bagyong Ofel –Hindi pa kumikilos ang Munisipyo noon, pero si Roy ay naglunsad na ng relief mission para sa mga biktima ng bagyong Ofel na sumalanta sa Bansud noong Oktubre 25, 2013. Umabot sa dalawang buwan ang isinagawang distribusyon ng bigas, de-lata, damit at noodles partikular sa mga barangay ng Villa Pag-asa, Manihala, Sumagui, Poblacion at Barangay Pag-asa. Umabot sa 1,500 pamilya o 7,462 ang biktima ng bagyo.
Operation: Sagip-Mata - Inilunsad din ni Roy ang proyektong Operation: Sagip-Mata noong Oktubre 14, 2012 - libreng operasyon sa mata para sa mga senior citizen ng Bansud. Ang proyekto ay tumakbo sa loob ng anim na buwan at natapos noong Marso 2013. Matagumpay na na-operahan at muling nanumbalik ang mga paningin ng 150 senior citizen.

MGA KARANGALAN
Sa loob ng dalawampu’t anim na taon (26) sa serbisyo, kinilala ng gubyerno, institusyon ng military, PNP, Local Government Units (LGU’s) at institusyong sibilyan ang kontribusyon ni Roy sa community development, indigenous people, farmers, crime solution at public service.
Batay dito, tumanggap si Roy ng iba’t-ibang pambansang karangalan (civilian awards) kabilang ang Dangal ng Bayan Award (outstanding merit in public service) na iginawad ng Civil Service Commission noong 2008. Tampok din ang tinanggap na karangalan bilang isa sa sampung Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) noong 2007, na iginawad sa kanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Palasyo ng Malacañang. Nakatanggap din si Roy ng Special Award mula sa United States Department of Justice-Federal Bureau of Investigation.
Sa Service Awards naman ay dose-dosenang medalya, sertipiko ng pagkilala, komendasyon at iba pang karangalan ang tinanggap ni Roy (tignan ang iba pang karangalan sa website: http://reporma.weebly.com/awards--honors.html).
MEYOR NG MASA
Ang batang si Roy noon na anak ng masang magsasaka, mula sa Negros Occidental, ay kaisa na ngayon ng mga Bansudeño para sa reporma at pagbabago para itayo ang isang bukas at demokratikong pamahalaan ng Bansud.