RPM Founding Assembly
BANSUD, Oriental Mindoro - Sabik na dinaluhan ng mga lider mula sa labing-tatlong Barangay ng Bansud, ang ginanap na Founding Assembly ng Reporma Para sa Mamamayan (RPM). Ginanap ito noong Setyembre 1, 2012, sa National High-way, Barangay Pag-asa, Bansud. Ang makasaysayang inisyatibang ito ay pinangunahan ni Roy P. Mudanza, isang progresibong lider-sibiko mula sa Barangay Pag-asa. Katuwang dito ni Mudanza si Doms S. Caramoan, isang matagumpay na negosyante mula sa Barangay Malo. Lubos din ang pakiki-isa dito ni Bokal Butch Soller at iba pang lider sa Bansud. Read more
|