Picture
Si Roy Mudanza at VP Jojo Binay
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT, Pasay City, October 10, 2012 - Iniharap ni Roy Mudanza, kandidato ng UNA sa pagka-Meyor ng Bansud, si Dominador Castillano o sa palayaw na Macoy kay Vice President Jojo Binay, noong Miyerkules, Oktubre 10, 2012, sa Coconut Palace. Si Macoy ay isa sa pinakahuling biktima ng karahasan mula sa kamay ng mga bandidong kampon ni Meyor Ronnie Morada ng Bansud, Oriental Mindoro.

Nangunguna sa paghahasik ng karahasan at paglabag sa karapatang-pantao sina Nestor R. Rivamonte alyas Baliling, Chief Security ni Mayor Ronie Morada, Rene Macatol at isang John Doe, mga 'bodyguard' ni Morada.

Ipinakita ni Macoy kay VP Binay ang kanyang mga tinamong sugat sa ulo at katawan dulot ng paulit-ulit na pag-kulata ng ripleng Armalite at kalibre 45 sa kanya ni Rivamonte at Macatol.

(Note: mahina po ang audio ng bidyo.Pakibasa ang buong report)
Picture
SALAYSAY NI MACOY KAY BINAY

Isinalaysay ni Macoy kay VP Binay ang marahas na pag-atake nina Baliling at Macatol noong gabi ng Setyembre 26, 2012, sa Plaza ng Bansud. Hinarang nina Baliling na noon ay nakasakay sa owner-type jeep ang sinasakyang motorsiklo ni Macoy. Bumaba sina Baliling at dalawa pa niyang kasama at sabay-sabay na inatake si Macoy.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Macoy "na habang nasa pagkagimbal na kalagayan ako, mabilis nila akong piniringan ng mata, itinali ang aking kamay at paa at inihagis sa owner-type jeep tulad ng isang kakataying baboy". "Habang tumatakbo ang jeep, ay patuloy naman ang pagkulata sa akin ng ripleng armalite at kalibre 45. Sa pagitan naman ng pagsipa at pagsuntok sa akin, ay tatanungin ako ng, "kay Morada ka ba o kay Mudanza? Kaya't kahit labag sa kalooban ko, obligado akong sumagot ng," Kay Morada", pagdedepalye pa ni Macoy.

Dugtong pa ni Macoy sa kanyang salaysay, humingi ako ng tulong kay Roy Mudanza para sa tamang proseso ng pag-papa-blotter sa pulis. Matapos akong bigyan ng payo ni Mudanza, nagtungo agad ako sa police station noong Setyembre 30, 2012, malapit sa Munisipyo ng Bansud. Pagkatapos kong mag-report sa presinto, mabilis akong nilapitan ni Nestor R. Rivamonte, na noo'y nasa labas ng Munisipyo, at sinabi nitong, "bakit mag-dedemanda ka pa? Wala kang utang na loob! Pasalamat ka at binuhay ka pa! Gusto mo itumba na kita ngayon?"

MULING PAGBABANTA NI RIVAMONTE

Pagkatapos akong laitin, sindakin at muling bantaan ay tumalikod sa akin si Rivamonte at sinabing, "aantayin kita sa kanto". Dulot ng aking takot, sumibat na agad ako sakay ng aking motorsiklo. Sa tulay ng Proper Bansud, namalayan kong kasunod ko na sina Rivamonte at Rene Macatol, sakay ng kotseng Toyota Altis na may plakang PWI-177.

Habang hinahabol ako, itinutok sa akin ni Rene Macatol mula sa sinasakyan nilang kotse ang kanyang pistolang kalibre 45, at tila demonyong isinigaw nito, "KATAPUSAN MO NA MACOY!" Mabilis naman akong nag-dive mula sa aking motorsiklo at mabilis na tumakbo patungo sa maramimg tao. Mula dito ay agad nilang ibi-nuwelta ang kanilang kotse at sumibad na palayo.   




Sa harap ni Macoy (in red shirt), nagbigay ng direktang instruksiyon si VP Binay sa kanyang legal officer, Atty. Pozon para sa mabilis na pagsampa ng kaukulang kaso sa Ombudsman. Kaharap din dito si Joey Salgado (in black shirt), Spokesman ni Binay at Media Affairs Division Head.
KASONG KRIMINAL

Nagkakaisa sina Binay, Mudanza at buong pamunuan ng UNA sa pagkondena sa ganitong karahasan sa Bansud. "Mananagot sa batas ang mga salarin at utak ng terorismo at karahasan sa ating bayan", pagdidiin pa ni Mudanza.

Mahigpit namang ipinag-utos ni VP Binay sa kanyang mga abogado ang mabilis na pagsampa ng kaukulang kasong kriminal at administratibo sa lahat mga sangkot na otoridad at utak nito. Kabilang sa kasong kriminal ang conspiracy to commit kidnapping; assault; physical injuries at grave threat".

Sa pakikipag-miting nito kay VP Binay, kasama ni Roy Mudanza sina Doms Caramoan, aspiranteng Vice Mayor, kabilang ang kanyang mga kandidato sa pagka-konsehal ng bayan, lahat sa ilalim ng UNA.

Ang biktimang si Macoy, 37 taong gulang, ay dating driver ni Ronnie Morada noong 2007. Si Macoy ay kasalukuyang naghahanap buhay bilang isang fish vendor at tapat na lider ni Roy Mudanza.#
KASONG KRIMINAL LABAN KAY RONIE MORADA, ET AL
MEDICO-LEGAL REPORT
 


Comments

10/18/2012 11:46pm

dapat lang na mapanagot sa batas ang mga gumagawa ng karahasan sa taong bayan, lalung lalo na yong mga maliliit na mamamayan

Reply
10/18/2012 11:51pm

totoo pala, with supporting documents, akala namin gagawa lamang may complaint affidavit na pala talaga

Reply



Leave a Reply


local politics, good governance, transparency, accountability, people's participation, political reform, reform politics, bansud, oriental mindoro