Picture
Pinangunahan ni Dr. Prudente D. Soller (nakasuot ng puting polo), dating Meyor ng Bansud, ang pagtaas ng mga kamay nina Roy Mudanza (nakasuot ng checkered polo), Doms Caramoan (nakasuot ng blue shirt) at Bokal Butch Soller. Kabilang din sa larawan ang tiket ni Mudanza sa UNA.
BANSUD, ORIENTAL MINDORO, Enero 19, 2013 - Kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng Sto. Niño de Bansud, na ginanap sa bahay ni Dr. Prudente D. Soller, noong Enero 19, 2013, ginanap din ang isang makasaysayang hakbang sa okasyong ito - solidong nagkaisa, binuo at pinagtibay ang pampulitikang alyansa para sa makabuluhang pagbabago at good governance sa bayan ng Bansud. Ang alyansa, na tinaguriang ”Bagong LAKAS-BANSUD”, ay mga pinagsanib na lakas mula sa kampo ni Dr. Prudente D. Soller, dating Meyor ng Bansud at malaking angkan ng mga Mudanza-Sarmiento.

Kabilang din sa ”Bagong LAKAS-BANSUD” ang negosyanteng si Doms Sabado Caramoan at mga dating miyembro ng Sangguniang Bayan na sina: Arnel Delmo de Chavez; Edgardo Florida Calderon at Efren Pajutrao Mansalapuz. Kabilang din dito ang mga progresibong lider ng Bansud, na sina: Aileen Mampusti Mambil; Tito Axibal Catubay; Emilio Mabunga Royo; Adel Manato Rubio at Eleazar Cabana Barber.

Sa basbas ng ulan, sabay-sabay na itinaas ni Dr. Soller ang mga kamay ng tambalang Roy Mudanza, kandidato sa pagka-meyor, Doms Caramoan, bilang bise-mayor at ni Kgg. Ferdinand Thomas M. Soller, kasalukuyang Bokal at re-eleksiyonista. Kabilang din sa itinaas ang kamay ang tiket ni Mudanza sa UNA para sa Sangguniang-Bayan.

Ang pagkakabuo ng ”Bagong LAKAS-BANSUD” ay isang hudyat para sa tagumpay ng reporma at makabuluhang pagbabago sa lokal na pamahalaan ng Bansud, pahayag ni Mudanza.

Ang maghapon at makasaysayang okasyon ito ay dinaluhan at sinaksihan ng mahigit tatlong libong lider at mamamayan mula sa labing-tatlong barangay ng Bansud. Kabilang din sa mga panauhin sina
Bokal Patrick dela Rosa, NP at iba pang lider-pulitiko mula sa iba't-ibang bayan ng Oriental, Mindoro.#

 


Comments




Leave a Reply


local politics, good governance, transparency, accountability, people's participation, political reform, reform politics, bansud, oriental mindoro