Picture
"Mahal natin ang Bansud. Umaapaw ang pagnanais ng mga mamamayan ngayon para sa kagyat na pagbabago"- Roy P. Mudanza

BANSUD, Oriental Mindoro - Sabik na dinaluhan ng mga lider mula sa labing-tatlong Barangay ng Bansud, ang ginanap na Founding Assembly ng Reporma Para sa Mamamayan (RPM). Ginanap ito noong Setyembre 1, 2012, sa National High-way, Barangay Pag-asa, Bansud. Ang makasaysayang inisyatibang ito ay pinangunahan ni Roy P. Mudanza, isang progresibong lider-sibiko mula sa Barangay Pag-asa. Katuwang dito ni Mudanza si Doms S. Caramoan, isang matagumpay na negosyante mula sa Barangay Malo. Lubos din ang pakiki-isa dito ni Bokal Butch Soller at iba pang lider sa Bansud.

Reporma at Pagbabago


        Ang tema ng Founding Assembly ay “Reporma at tunay na  pagbabago sa Bansud”. ”Dahil sa kawalan ng isang komprehensibong pampulitika at pang-ekonomiyang programa ang kasalukuyan Meyor, sinubukan kong kunsulathin ang mga lider ng Bansud”, deklarasyon ni Mudanza. “Humigit-kumulang mga tatlumpong piling lider lamang ang aking panimulang kinausap at inimbitahan para sa leaders’ assembly na ito, subalit nakakatuwang umabot sa halos isang-daang lider ang nagsipagdalo”, dagdag pa ni Mudanza.” Labis ang  aking kaligayahan sapagkat ang pagdagsa ng mga lider dito, ay patunay  lamang ng kanilang seryoso, matapang at matatag na paninindigan para baguhin ang atrasadong administrasyon ni Morada—ito ay sa kabila ng istilong bandidong pananakot at panggigipit ng mga tuta ni Meyor sa kanila”, dugtong pa ni Mudanza. “Mahal natin ang Bansud. Umaapaw ang pagnanais ng mga mamamayan ngayon para sa mga kagyat na reporma at tunay na pagbabago”, pagbubukas ni Mudanza sa kanyang pagtalakay sa mga isyu at kagyat na reporma. 

Adyenda ng Mamamayan

        Tinalakay ni Mudanza ang walong puntong reporma na kinakailanagn sa Bansud. Tinawag itong “Adyenda ng mamamayan para sa reporma at pagbabago” . Kabilang sa reporma ang: 1) Tunay na reporma sa lupa para sa magsasaka; 2) Reporma sa mabuting pamamahala o good governance; 3) People empowerment; 4) Tunay na serbisyong panlipunan; 5) Reporma sa kabuhayan; 6) Proteksiyon sa kalikasan; 7) Mutwal na respeto at kooperasyon sa mga kapatid na Mangyan; at 8) Kontra-droga at kriminalidad.  Sa katulad ding pahayag, kumpiyansang ideneklara ni  Doms S. Caramoan na, “dahil sa pagsasanib at pagkakaisa ng mga lider at mamamayan dito ngayon, maituturing na ito na ang simula ng proseso para  makamit ang kinakailangang reporma at tunay na pagbabago para sa mamamayan ng Bansud”.
     Pagkatapos ng ginawang open forum, matibay nang nagkaisa ang mga dumalo para sa pagtatatag ng isang kilusang bayan at tinawag itong ”Reporma Para sa Mamamayan”. Tinagurian na din ng mga dumalong lider si Roy P. Mudanza bilang bagong Mayor at si Doms S. Caramoan bilang bagong Vice Mayor ng Bansud. # 

 


Comments




Leave a Reply


local politics, good governance, transparency, accountability, people's participation, political reform, reform politics, bansud, oriental mindoro