Nagbigkis tayong mga Bansudeño para sa pagkakamit ng katarungan at kapayapaan, para sa tunay na serbisyong panlipunan at tunay na pampulitikang pagbabago


Picture
Roy P. Mudanza
Ni Roy P. Mudanza

Mahal natin ang bayan ng Bansud. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating reporma at tunay na pagbabago.

Aspirasyon nating matiyak na ang susunod na henerasyon ay makapamuhay sa isang bayang tunay na mapayapa, maunlad at may pagmamalasakit sa bayan at mamamayan.                                                             
 

Nagbigkis tayong mga Bansudeño para sa pagkakamit ng katarungan at kapayapaan, para sa tunay na serbisyong panlipunan at tunay na pampulitikang pagbabago.
 
KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN
   

Sigaw nating mga Bansudeño ay katarungan at kapayapaan sa ating bayan. Walang kapantay sa kasaysayan ng Bansud ang kriminalidad at karahasan sa ilalim ng administrasyon ng Morada Gang. Kabilang dito ang laganap na nakawan ng mga alagang baka ng mga magsasaka, akyat-bahay at nakawan sa mga tindahan, paglaganap ng ipinag-babawal na droga at walang pakundangang pagpaslang. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa labing-anim (16) ang biktima ng pamamaslang. Ilan sa mga biktima ay pinatay sa plaza sa harap ng munisipyo sa katanghaliang-tapat at ang isa ay sa loob mismo ng motor pool ng munisipyo - tumunganga lamang si Morada at walang ginawang hakbang para sa katarungan.

Mas malubha pa, iresponsableng itinalaga ni Morada si Nestor Rivamonte bilang Chief Security Officer nito at pinasu-sweldo ng bayan, simula pa noong 2007, kahit isa itong WANTED at CONVICTED CRIMINAL simula pa noong 2004.
   

Obstruction of justice - Malinaw na ang pag-appoint ni Morada kay Rivamonte ay isang anyo ng pagkanlong sa isang sentensiyadong kriminal. Batay sa Presidential Decree No. 1829 ”Section 1. (c) harboring or concealing, or facilitating the escape of, any person he knows, or has reasonable ground to believe or suspect, has committed any offense under existing penal laws in order to prevent his arrest prosecution and conviction; Section 2. If any of the foregoing acts is committed by a public official or employee, he shall in addition to the penalties provided there under, suffer perpetual disqualification from holding public office.”
   

Kailan ma’y hindi makakamit ang katarungan at kapayapaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong siya din ang itinuturo ng mga biktima na lumikha ng inhustisya at karahasan. Mananagot si Morada sa batas at sa bayan. Dapat na siyang palitan!
 
SERBISYONG PANLIPUNAN


Ang Kalusugang-bayan ay Serbisyo, hindi Negosyo. Pahirap sa mamamayan ang administrasyon ng Morada Gang. Sa halip na mag-serbisyo, ginawang isang pribadong negosyo ang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC). Patuloy na pinipiga nito ang bawat maralitang naganganak sa BEmONC sa paniningil ng P3,600 nang walang kaukulang opisyal na resibo. Nararapat itigil ang paniningil ng P3,600 sa mga pasyente at pagnanakaw sa pondong-bayan mula sa BEmONC.
   

Tunay na Serbisyo para sa Malinis na Tubig inumin. Mahilig si Morada sa serbisyong pakitang-tao lamang ang epekto. Makitid, makasarili at iligal ang pamumudmod nito ng Jetmatic pump tuwing eleksiyon bilang anyo ng lantarang pamimili ng boto. Nararapat komprehensibong lutasin ang kawalan ng sistema at malinis na suplay ng inuming tubig. Dapat itayo ang Bansud Municipal Waterworks System (BMWS). Dapat ay tunay na Serbisyo, hindi ningas-kogon at pakitang-tao!
 
TUNAY NA PAGBABAGO    
   

Determinado tayo sa nais nating pagbabago para sa kagalingan ng mga Bansudeño. Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2013. Ngayon na ang pagkakataon at panahon para putulin, itakwil at wakasan ang pagha-hariharian ng Morada Gang na kilala sa katiwalian, karahasan, kriminalidad at pag-abuso sa kapangyarihan. Itaguyod natin ang Pulitika ng Pagbabago at tunay na paglilingkod sa mamamayan. Bagong Pulitika ang tamang landas tungo sa tunay na pagbabago. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlilinlang, pananakot, karahasan at paurong na pamumuno.®      
 


 
 
“Higit sa pagpapalit kay Morada, mas mahalaga ang kinakailangang reporma at makabuluhang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang kahirapan, kawalan ng hustisya, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Pagbabagong nagdadala ng komprehensibong pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang programa para sa Bansud”

BANSUD. ORIENTAL MINDORO – Si Roy P. Mudanza, dating Senior Police Office (SPO4) at Country’s Outstanding Policeman in Service (COPS) noong 2007, ay naghain ng kanyang “certificate of candidacy” (COC), bilang Meyor para sa halalang 2013. Pampulitikang reporma at tunay na pagbabago ang batayan ng plataporma ni Mudanza.

Si Mudanza, kabilang ang kanyang running-mate para Vice Mayor na si Doms Mercorio-Sabado Caramoan at buong tiket nito, ay sabay-sabay na nag-file ng COC sa COMELEC, Bansud noong lunes, alas-tres ng hapon, Oktubre 1, 2012, habang bumubuhos ang ulan. Ang ”Powerhouse Ticket” ni Mudanza ay lalahok sa eleksiyon 2013 sa ilalim ng UNA o United Nationalist Alliance. Makakalaban ni Mudanza si Ronie Morada, kasalukuyang Meyor.

Ang buong tiket ni Mudanza, kabilang ang mga lider at supporters nito, ay nagsuot ng  t-shirt na kulay pula bilang simbolo ng pampulitikang reporma at pagbabago sa pamahalaang bayan ng Bansud. “Papalapit na ang katapusan ng pang-aabuso sa kapangyarihan at paghahari-harian ng mga dilawan sa munisipyo”, deklarasyon ni Mudanza. Ang kasalukuyang administrasyon at tiket nito ay kulay dilaw ang ”political color”.

“Pagkatapos kong tanggapin ang hamon ng mamamayan para sa reporma at pagbabago at ipahayag sa publiko noong Setyembre,1 2012 ang aking hangarin na pumalit kay Morada bilang Meyor, dumagsa na ang mga aplikasyon ng mga aspiranteng lider bilang konsehal ng bayan”, paglilinaw ni Mudanza sa isang Pastor nang tanungin ng huli kung buo na ang kanyang tiket sa konsehal.

”Umabot sa labing lima ang bilang ng mga lider na panimulang nagpahayag ng intensiyon para tumakbong konsehal sa aking tiket”, dagdag pa ni Mudanza. “Sa pamamagitan ng aking konsultasyon sa mga nauna at matatandang lider-pulitiko at sibiko ng bayan, at sa prosesong demokratiko, mabilis kong nakumpleto ang buong tiket”, dugtong pa ni Mudanza.


Ang mga sumusunod ang line-up ni Mudanza bilang mga konsehal ng bayan: 1) Aileen Mampusti Mambil 2) Edgardo Florida Calderon 3) Tito Axsibal Catubay 4) Emilio Mabunga Royo
5) Arnel Delmo De Chavez  6) Adel Manato Rubio 7). Eleazar Cabana Barber at 8) Efren Pajutrao Mansalapuz.
Picture
Aileen Mampusti Mambil
Picture
Edgardo Florida Calderon
Picture
Tito Axibal Catubay
Picture
Emilio Mabunga Royo
Picture
Arnel Delmo De Chavez
Picture
Adel Manato Rubio
Picture
Eleazar Cabana Barber
Picture
Efren Pajutrao Mansalapuz
Nagkakaisa ang buong tiket ni Mudanza na higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang administrasyon ang kanilang hangarin. Naunang nilinaw ni Mudanza na, “Mas mahalaga ang kinakailangang reporma at makabuluhang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang kahirapan, kawalan ng hustisya, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Pagbabagong nagdadala ng komprehensibong pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang programa para sa Bansud” .

Nakahanda na ang buong makinarya ni Mudanza para sa pagtataguyod sa mga adhikain ng mamamayan, alinsunod sa Walong (8) Puntong “Reform Agenda” o Plataporma ng Mamamayan para sa Pagbabago.

Kabilang
sa reform agenda ni Mudanza ang mga sumusunod:

1. REPORMA para sa PEACE & ORDER! HUSTISYA sa lahat ng biktima ng pamamaslang (extra-judicial killings) sa Bansud! Kampanya Kontra-Droga at Kriminalidad!

2. REPORMA para sa Tunay na SERBISYO sa Mamamayan!
Maagap, mabilis at seryosong pagtugon sa mga serbisyong pambayan, di pakitang-tao lamang.

3. REPORMANG PANG-KABUHAYAN! Proteksiyon at Insentibo sa mga Entrepreneurs/ Negosyante at Agri-Business/Kooperatiba!

4. REPORMA para sa Kabataan at Out of School Youth (OSY) Itayo ang Youth Development Center sa antas munisipyo at bawat Barangay.

5. REPORMANG PANG-KALIKASAN! Aksiyon para sa proteksiyon ng kalikasan.

6. REPORMA para sa mga KAPATID na IP’s! Mutwal na Respeto at Kooperasyon sa mga kapatid na Aeta at Mangayan!

7. REPORMA PARA SA MABUTING PAMAMAHALA! IPATUPAD ang Transparency, Accountability at People’s Participarion sa pamamahala.

8. REPORMA para sa People Empowerment! Bigyang Kapangyarihan ang Mamamayan (People Empowerment)!


Pagkatapos ng proseso sa kanilang COC filing, pumasok sa mga opisina si Mudanza at Caramoan para sa kanilang maikling pangungumusta sa mga empleyado ng munisipyo.

Tinapos ang programa sa filing ng COC sa pamamagitan ng isang motorcade sa buong bayan ng bansud.#
 

local politics, good governance, transparency, accountability, people's participation, political reform, reform politics, bansud, oriental mindoro